Photo Gallery

 

Photo Gallery 2024
Bagong Pilipinas Negosyo at Serbisyo Fair
San Jose, Occidental Mindoro –Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nakilahok si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual at iba pang mga opisyal ng pamahalaan sa “Bagong Pilipinas: Negosyo at Serbisyo Fair” ngayong araw, Abril 23, sa Occidental Mindoro. Tampok dito ang mga produktong "Tatak Pinoy" mula sa micro, small, and medium enterprises (MSME). Nakiisa rin ang mga negosyante at mga retailer mula sa Diskwento Caravan ng Kadiwa ng Pangulo.

Alinsunod sa mandato ng DTI at layunin ng kasalakuyang administrasyon na paunlarin ang mga MSME sa bansa, ipinamahagi ng Pangulo, kasama si Secretary Pascual, ang mga Product Development Package na may halagang 50,000 pesos.

Samantala, nagdaos ang DTI ng Serbisyo Caravan kung saan natulungan ang mga nagnanais magtayo ng negosyo sa pagpaparehistro ng kanilang business name o barangay micro business enterprises.

Nag-organisa rin ang DTI ng business consultancy services at capacity development trainings para sa mga MSME na naglalayong mapabuti ang kanilang kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo.

Bukod dito, nagbigay din ng tulong ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan sa mahigit dalawang libong mga benepisyaryo mula sa probinsya ng Occidental Mindoro. ♦
« of 39 »