26 October 2020, As recorded

Good morning everyone!

Gusto ko lang pong samahan ang aking partner, Secretary Silvestre “Bebot” Bello. Pagdating po sa Trabaho, Negosyo, Kabuhayan, kami po sa Department of Trade and Industry (DTI) ay malapit na ka-partner po ng Department of Labor and Employment (DOLE). Isa lang po ang hangarin natin, katulad po ng vision ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makapagbigay po ng magandang trabaho, hanapbuhay, kung hindi man ay mga negosyo at kabuhayan. ‘Yan po ang susi sa paglaban sa ating kahirapan.

Dito po sa DTI, sinasabayan po natin ang DOLE para po ano man ang mga training na inyo pang kakailanganin o kahit pa maliit na puhunan—puwede rin magpautang po ang Small Business Corporation, isang agency under the Department of Trade and Industry.

Imbitahin lang natin ng ating mga beneficiary. Huwag po silang mag-aatubili o mag-alinlangan kumontak sa DTI: Pwede po sa 1-348 o kaya po sa website po ng Department of Trade and Industry at diyan po makikita nila ‘yung iba ibang mga training programs. Online na po, webinar lang po. ‘Di na sila kailangan pumunta ng pisikal. Marami pong ino-offer na mga kaalaman para mapalaki pa ang inyong mga sisimulan na negosyo.

Napaka-importante po ito sa lahat ng amin pong nakakausap, nakakasama na mga Micro entrepreneurs. Ang dami pong mga lumalaki, nagsisimula sa wala. Literally wala, subalit mabigyan lamang ng kahit isang munting pang-umpisa tulad po ng hinahandog po ng DOLE ngayon, ang atin pong ka-partner Sec. Bebot Bello, napakalaking halaga po ‘yan.

Marami na po tayong pwedeng gawin diyan, serbisyo o kaya naman ay magsimula sa isang negosyo na mapapalaki ninyo. Ang dami po nating kakilalang lumago nang lumago ang kanilang mga negosyo.

Paano po? Unang-una po nagbigay po sila ng extra na serbisyo o pinaganda pa ‘yung kanilang mga serbisyo o mga produkto na ginagawa, at nagiging masinop sa bawat kinikita araw-araw. ‘Yun lang po ang panimula.

Akin pong mai-aadvise, pangalawa: kung tayo po ay may kayang gawin ang mga produkto, mag-isip din po tayo kung ano kaya ang hinahanap sa merkado at ano kaya ang magiging kakaiba sa ating gagawing produkto o serbisyo. Kailangan may kakaiba para ako magiging suki, para sa akin pupunta.

At diyan po maraming lumago nang lumago na ating mga kababayan na nagsimula sa wala. Kaya po sa pagkakataon na ito, binibigyan po ng ating mga kasama sa DOLE, kasama po ang DTI, sana po maitaguyod ninyo ng maganda ang inyong mga negosyo at importante po ‘yung kinabukasan ninyo ay maging stable at maging maganda. At pag ganoon, kayo naman ang mamamahagi ng inyong kaswertehan at kapalaran para po sa Iba nating kababayan.

Magandang umaga po sa inyong lahat at aalamat po sa DOLE at sa mga ka-partner po nitong programa na ito. Ito po si Mon Lopez po ng DTI.♦

Date of Release: 26 October 2020