Diskwento Caravan Balik Eskwela
16 June 2025, 9 AM | Manila City Hall
Magandang umaga sa inyong lahat. Good morning Mayor Honey Lacuna of Manila. Good morning nice to see you again, I just saw you last week. Of course lahat ng kawani ng gobyerno sa Manila good morning to everyone. And of course to Secretay Sonny Angara couldn’t make it today kasi kasama po nya yung mahal na Pangulo but he’s represented by his Assistant Secretary. And of course to my fellow DTI officials who are here today of course Assistant Secretary Dominic Tolentino and Director Gino Mallari. And to everybody here from the Municipality of Manila, good morning sa inyong lahat.
Today we are showing what the Bagong Pilipinas vision is all about. A government that is people-first and truly present in our communities.
Ang gusto po ng ating Pangulo is definitely asikasuhin ang mga pangangailangan ng ating mga mamamayang Pilipino. Which is, number one, food security at ngayon, of course, yung school supplies. Yun ang actually directive nya sa akin is to make sure na mababang presyo ng mga school supplies natin because we have to make sure that yung mga estudyante meron silang murang school supplies na mabibili.
Umikot kami sa Baclaran and of course, dito sa Divisoria, na sakop ng Manila. And ang ganda ng pamamahala po also ni Mayor Honey Lacuna, maraming salamat. To make sure that lahat ng mga nagbebenta po doon follow the strict guidelines of DTI dun sa presyo sa price guide na binigay namin. Actually, sa Divisoria, yung presyo mas mababa pa po kaysa presyo na binigay ng DTI.
So, all na hindi pa kayo nakakabili o kulang pa yung mga nabili nyo for school supplies, please feel free to go to Divisoria and also to National Bookstore. Yung mga presyo nila mas mababa pa po kaysa presyo na binigay ng DTI. Hindi lahat ng items, pero lahat ng items nasa price range po.
And I’d also like to congratulate this Kadiwa ng Pangulo, which is very successful. Ito yung project ng ating Pangulo that goes all over the country. Nationwide po ito.
And dito nakabili tayo ng mga murang bilihin. So tangkilikin natin ang Kadiwa ng Pangulo. And if I may suggest, let us grow this to make it bigger and more dynamic. Magdagdag tayo ng iba pang mga pangangailangan ng ating mga mamamayan. So, let’s grow this Kadiwa ng Pangulo double or triple in size. So, I challenge you ASec Dom to pursue this and definitely, maraming mamamayang Pilipino ang makaka avail and will really patronize such as this, the Kadiwa ng Pangulo ♦
Date of Release: 16 June 2025