Magandang umaga po sa inyong lahat.

Ang atin pong pakay ngayon dito ay bigyan ng suporta itong mga activities na ito na pinamumunuan nila Secretary Charlie Galvez, Secretary Duque, Secretary Año at ni Secretary Vince Dizon, upang mabakunahan ang karamihan ng ating mga kababayan.

Aside from two doses, dapat ay magkaroon rin ng booster. Narinig po ninyo ang benefits ng bakuna, ito ay para hindi maging malala at hindi maging severe ang mga kaso ng COVID-19. Iyon ang nakita nating benepisyo ngayon na kumalat ang Omicron variant. Para sa akin, ang bakuna ay equals trabaho. Dahil po sa bakuna ay hindi lumala ang sitwasyon, hindi naging severe ang mga kaso ng mga nagka-COVID, at hindi rin mapupuno ang mga ospital.

Nakita natin ngayong Omicron, tumaas ang cases to 35,000 ngunit below 2,000 lamang ang mino-monitor na severe and critical. Noong nag Delta, tumaas kaagad iyan sa 3,000 to 4,000 cases, ngayon ay nasa 2,000 na lamang. In fact, 1,700 cases. Ganoon po ang confidence natin kapag nababakunahan ang ating mga kababayan. 

Kapag hindi napuno ang ospital, hindi po tayo magla-lockdown. Kapag hindi nag lockdown, tuluy-tuloy ang trabaho, tuluy-tuloy ang pag-unlad at re-opening ng ating ekonomiya, ito rin ay makakapagprovide ng trabaho sa ating mga kababayan. Ang mga kapatid natin at kamag-anak natin ay magkakaroon ng trabaho. Kaya bakuna equals trabaho. Kung mayroon pa kayong kakilala na hindi pa nagpapabakuna, hikayatin po natin sila sapagkat unang-una makakaganda ito sa inyong kalusugan at pangalawa ay magkakatrabaho tayong lahat. Napaka-importante po nito kaya magtulungan po tayong lahat.

Maraming salamat po at good morning. ♦

Date of Release: 20 January 2022