August 12, 2020, as delivered
Magandang umaga po ulit sa inyong lahat, Gov. Ynares, sa atin pong mga kasama sa gobyerno, fellow workers in government, Ladies and Gentlemen, mga kababayan sa Rizal.
Ito pong proyekto na ito ay nagmula po sa pangako ng ating Pangulong Duterte na siya po ay mamimigay ng face mask sa atin pong mga kapos na mga kababayan at ang uunahin po natin ay ‘yung mga benificiaries ng 4Ps. So ngayon po i-inaugurate po natin ang ceremonial turnover—I think we have for now around 20 thousand masks na pauna munang ipamimigay. Ang target po natin dito ay ang tuluy-tuloy na production.
These would be non-medical grade, washable, reusable face masks for the benefit po ng ating mga kababayan. Pami-pamilya po ang magbe-benefit po dito. Magbibigay tayo ng I think limang piraso per family para ho magamit po itong reusable washable face mask.
Sa pangako po ng ating Pangulo, nasa 20 million po ang target ng programang ito at kung maaring madagdagan, pwede pang umabot sa 30 million na face masks. Ito po ang pangunahing ipamimigay dito po sa province of Rizal.
Pasalamatan lang po natin ang mga sumusunod: Ito po ay galling din sa kooperasyon ng multi-agencies with the Department of Health, DSWD, DTI, DILG, DOLE, TESDA, ang Philippine Commission on Women at sila Sec. Vince sa National Taskforce na nangunguna rin sa pag-arrange, pati sa distribution, at pagproduce ng reusable mask.
Ang maganda po dito ay ang mga reusable mask ay gagawin po ng lahat po ng women’s cooperatives, mga SMEs na nabigyan po ng Shared Service Facilities (SSF) ng DTI na may mga sewing machines, at lahat po ng SMEs at mga network ng DTI, TESDA, PCW—so tulung-tulong po lahat itong efforts na ito. Tutulong din po ‘yung mga mananahi, from cooperatives around the country. Doon po kukunin itong mga reusable washable face masks na alinsunod din po sa standard ng World Health Organization—‘yang high quality reusable mask.
Allow me to introduce ang atin pong special guest speaker. Ang susunod na magsasalita at bagong halal na senador ay nanungkulan kay Pangulong Duterte sa mahigit dalawampu’t isang taon. Siya ay isang simpleng tao mula sa probinsya katulad ni Pangulo nagsimula siyang maglingkod sa bayan noong 1998 bilang executive assistant ni noong Congressman Rodrigo Duterte.
Pinagkatiwalaan sa lahat hanggang mahalal si Mayor Duterte bilang ating Pangulo. Siya po ay matapat, masipag. Si dating special assistant to the President at ngayon ay bilang bagong halal na senador ay naging tulay ng ating mamamayan kay Pangulo.
Sinisiguro nya na ang lahat ng direktiba ng Pangulo, tulad po nitong pamimigay ng face mask, ay matutupad at natutupad. At ngayon, dadalin nya ang bandila ng Tapang at Malasakit sa Senado at isusulong ang pamahalaang tunay na nag-aaruga sa mga Pilipino at nagbibigay ng serbisyong tatak Duterte.
Ang kanyang bisyo ay serbisyo. Imagine, pinupuntahan po niya ang lahat ng biktima ng sunog at iba-ibang kalamidad at sakuna. Nandoon po siya, ‘di ko siya masabayan, ‘di namin masabayan. Pinupuntahan niya lahat ‘yun. Di ko alam ‘yung energy nya kung saan nanggagaling, pero tuluy-tuloy po ang serbisyo niya. Mga kababayan, ang ating minamahal na Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.