KEYNOTE SPEECH OF SECRETARY RAMON M. LOPEZ
hAFFI Bootcamp
9 July 2019, Calamba, Laguna

[Acknowledgements]

Magandang umaga! Good morning!

I’m really “hAFFI” to be here this morning kaya nga ho iniwan ko na ang aking signing sa Makati at press con. Sabi ko pupunta ko dito sa Calamba, Laguna kasi andito ang hAFFI Bootcamp partnership ng DTI at ng AFFI. And maganda po ang initiative nito with RD Malou and naumpisahan po nila President Jorge at ang team po ng AFFI at ng DTI family. Andito ang mga provincial directors at mga Assistant Regional Directors or OIC. Magandang umaga saka sa inyo pong lahat.

This is really a special program for all of you dahil ganito naman po nung nalagay tayo sa DTI at bago pa sa DTI – talagang ito na po ang adbokasiya ng aming grupo ho to really create smarter entrepreneurs sa ating bansa. And alam po ninyo, ‘yan ang priority rin ng ating Pangulo na gusto nya lahat maging prosperous, maginhawa, masagana ang bawat buhay ng Pilipino.

Parati nating naririnig ayoko ‘yung may nahihirapan, nagrereklamo, mahaba ang pila, pinahihirapan ng gobyerno. Kaya ‘yung Ease of Doing Business nakapasok na diyan. Maso-solve na ang mga problema sa iba ibang ahensya. Lahat po kami even sa DTI kung pwedeng i-online, naka-online na, automated, streamlined – we’re doing all this things. Pinirmahan ni Presidente ‘yung Ease of Doing Business. So many thing that he’s trying to do para talagang mapababa ang mga problema pagdating sa pagkuha ng permit sa government. Meron na tayong bagong Director General ng ARTA (Anti Red Tape Authority) and the like.

At more importantly, makikita naman po natin ‘yung magandang feedback from the people. Pero ang maganda naman nung ang Presidente for the past two surveys – record level 80 to 81% approval rating. Saan ka naman nakakita ng ganun? On the 3rd year tumataas ‘yung approval rating. And siguro pag makikita natin ‘yung survey na ‘yun di naman para purihin ‘yung gobyerno kundi ang importante din, natutuwa kami na nararamdaman pala nung tao na ‘yun – ‘yung mga pagbabago na pinangako nung bagong gobyerno.

And sa totoo lang po, alam nyo ikikwento ko na rin kasi parati nating kasama ang Presidente lalo na pag outbound missions–may Presidential visit sa iba’t ibang bansa siguro more than 10 baka more than 20 na. Kahit pa minsan minsan lang ang Presidente pero everywhere we go promise talaga ang nakikita po namin para siyang Dingdong Dantes dun. Oo mga artista talaga. ‘Yung crowd sana makasama kayo kahit minsan. ‘Yung crowd talaga humihiyaw – Duterte! Ewan ko kung naririnig nyo ‘yun or nakikita nyo online ‘yung chant parang kampanya eh di naman kampanya ‘yun. Parang it’s a gathering of Filipino community. So ganun nyo mararamdaman kung kaya natin lalo na rin pati OFWs na abroad kung tatanggapin siya ng ganun kainit.

Dati pag Filipino communities sapilitan para mapuno ‘yung hall. Ito talagang puno na, madami pang gustong pumasok – so pasensya na. Tapos ‘yung pagpasok na ‘yun, ang dami ng tao sumisigaw na ganun. Naramdaman mo ‘yung tuwa nila ang siguro parang sign ng pasasalamat. Kasi alam nyo ho sa maraming OFWs, Meron ho bang dating OFW dito? Uy ang dami naku eh di alam na alam nyo. Naabutan nyo po ba si Presidente sa visit o bagong uwi ba kayo o dati na? Ah dati na. So sa mga bago nakadalaw pa si Presidente sa inyo? O nakita nyo ‘yung kinukuwento ko noh–‘yung talagang nag “rah, rah, rah” sila kaya noh.

Kaya I think naramdaman po namin, kinikwento rin samin. ‘Yung Presidente daw natin ngayon talagang nabago nya ‘yung sistema lalo na, of course, the anti-illegal drug campaign. Tumahimik, nawala ‘yung mga istambay sa kanto, nawala ‘yung nakahubad, nag-iinuman, tumahimik ‘yung kalye. Para ‘yung safety daw talaga tumaas, gumanda. At ‘yung mga anak nila na everytime your abroad ang worry natin, ‘yung kamaganak natin back in the Philippines. Di mo alam kung makakauwi ng safe pag gabi. Nagaalala ka. Pero sa mga panahon ngayon, ‘yun daw ang malaking pasasalamat nila. Everytime kausap po naming sila sinasabi nila ang laki ng pagbabago kasi di na sila nagwoworry sa mga kamaganak nila. Tama ho ba? Ganun ‘yung kinikwento samin nung mga nakausap naming na OFWs.

So si Presidente natin, ganyan ka-sincere. Kaya nga mataas ang rating and isa po ito sa kanyang isa pang adbokasiya. Sabi niya, ayaw niyang lahat na may mga naghihirap. Gusto nya guminhawa ang buhay. So, some indicators naman po are showing us ‘yung unemployment rate bumaba. Dati nasa mga over 6%. Ngayon po ay 5.1%. Mga 3 months ago, 5.3%. Minomonitor namin. Ibig sabihin, konti ‘yung unemployed. Doon sa unemployment kaya po bumaba iyon, some part but not really a big part of it–maraming may trabaho. Pero a small part of it pero lumalaki is the self-employed.

So ‘yung self-employed, tayo tayo po ‘yun–‘yung mga negosyo na nagtayo, nagumpisa, di na ko naghahanap ng trabaho meron na kong negosyo–I’m self-employed. And we all start with that self-employed—di na naghahanap ng trabaho, I have my own business pero wala pa hong employee–‘yun ang umpisa.

And then later on, lalaki na ‘yung negosyo mo. I get one, two, three and then dumadami na ‘yung tauhan mo and that’s really the beginning of Micro Small. Moving from micro to small and the small to the medium which is really ‘yung advocacy namin. Dahil bakit po namin ginawa ang advocacy? Dahil ho ilang taon na? Dekada na ang Pilipinas dominated ng mga Micro SMEs, 99.6% naririnig nyo na ‘yan noh and it’s a backbone. Sinasabing backbone ng economy kasi about 65 or 70% ng employment dahil sa Micro SME. Pero ang contribution to the economy maliit. And you heard of this, 35 tumaas na ngayon recently 38%.

So ibig sabihin ‘yung 60% ‘yung balance 62% accounted for by the big companies ‘yun ‘yung .04% kasi 99.6 SME eh. ‘Yung balance account for imagine the bigger part 60 plus percent. So ibig sabihin nun, ‘yung Micro SMEs natin kailangan talaga ‘yung nagle-level up parati. Nagva-value adding. Para we become a bigger contributor in the economy. So that is the picture that we are looking at.

And it has really been our advocacy na kaya sinabi ko kanina, creating smarter entrepreneurs kasi po ang tubo andun sa being smart. ‘Yung tubo andun sa value adding. Kaya nga siya contribution to the economy. Ibig sabihin, it’s like your contribution to the national income. So ibig sabihin, gusto natin ‘yung income nyo malaki na, malaking contribution din siya to the total picture to the national income. Gets nyo?

Kaya ho to get that higher income contribution, kailangan tayo tayo rin pinapaganda natin ‘yung business models. Nile-level up natin. So for the same sipag at tiyaga for the same hirap mas malaki na ‘yung returns satin di ‘yung ng produkto dahil defective ah hindi – ‘yung returns. ‘Yung income malaki na ‘yung income natin for the same hirap and you are able to do that by innovating your product, innovating your processes. Ibig sabihin, pinapaganda, pinapagawang mas efficient o kaya ‘yung ini-innovate mo ‘yung business model.

So andito na tayo sa model, I think na discuss na ni RD kanina. We have 7Ms excluding RD Malou and Mon and Marissa and Mr. Dean. Naku pinilit ‘yung M—excluding that. Pero ‘yung 7Ms, talagang naguumpisa ‘yung Mindset. Kaya very important satin talaga ‘yung lumalaking negosyo, ‘yung creative mindset–entrepreneurial mindset. And then the Mastery. Knowing the ins and outs of the entrepreneurship tools. Kaya panay ho ang sharing naming ng branding, product dev, financial literacy, etc. So kasama na ‘yun sa ating module and the mentoring.

And I know in the AFFI, swerte po tayo/kayo kung part kayo ng AFFI. That continuing mentoring with all the mentors and continuing learning program ng AFFI, so very exciting. So it allows us, it gives us opportunity to continuously innovated level up and that’s rich solution to poverty alleviation. Leveling up our business at lumalaki at makaahon tayo ng isang tao. Dahil isang taong ma-hire mo, isang taong magkatrabho, isang tao will be out of poverty. ‘Yung pamilya nya will be out of poverty. Kaya nga ang laki ng role nyo kaya nga importante talaga sa role nyo ma-enhance parati ‘yung business model at dito na papasok ‘yung nabanggit ko na ‘yung 3Ms.

Si DTI may support pa ‘yan so ikikwento ko na din. ‘Yung Money which is the P3 kung kailangan niyo ng pondo meron ho kaming panlaban sa 5-6. Wala naman umuutang dito sa 5-6 noh? I suppose kayo na ‘yung medyo advance noh. Wala umutang ng 5-6? Sige. Kwento nyo na lang mamaya kung umutang kayo kasi baka ayaw yong magtaas ng kamay. Pero umutang kayo patayin na natin ‘yun di ‘yung nagpapautang–patayin na natin ‘yung 5-6. Kasi meron na kaming P3 ‘yung Pondo para sa Pagbabago at Pagasenso. Walang collateral, easy to get the financing, etc.. Parang umutang kayo sa microfinance institution–maiikli lang ‘yung form.

So Money, meron ding Machines. Kung grupo kayo, cooperative, may Shared Service Facility pwedeng ibigay ng DTI. Tapos pag may produkto na kayo may market na kaming ibibigay sa inyo pwede kayong magbenta na sa OTOP Hub, andyan sila Leon, sila Asec. Demphna–i-improve ‘yung product niyo at pwede na sa OTOP Hub para ‘yung pasalubong center dun na agad—ire-regular na parang trade fair. Kasi ayoko ng trade fair na three days lang, four days lang nawawala na.
Magke-create tayo ng market na parang incubator para everyday nandun–kaya tayo may Pasalubong Center branded now as OTOP.PH/OTOP Philippines Hub. Kapag nag-level up ka ‘yung produkto napaganda pa gusto pa namin mainstream ulit nasa mall diba? Saan ba pumupunta ang mga tao? ‘Di ba sa mall. So kumuha tayo ng mga pwesto sa mall kung saan kayo makakadisplay ng product niyo for free. Walang bayad, walang renta na PHP25,000 to PHP30,000 a month or kapag grocery products, magli-listing fee.

So may nakapasok sa grocery dito ng produkto nyo? ‘Di ba mahal ng listing fee? ‘Yung totoong listing fee PHP3 million yata ngayon dati PHP1 million ‘yan noong panahon naming per product–so mahal. Dito sa Go Lokal! libre pero kailangan ma-curate ‘yung produkto. Ibig sabihin, mapili, maganda at pwedeng idisplay na parang proudly Philippine-made. So these are efforts para maging mainstream ‘yung mga produkto natin.

Now, there is the last M which is the Model. And in the Model, our vision there is all the Negosyo Centers and we have 1,070 Negosyo Centers at sa konting pagyayabang, over two million na nag pumunta sa Negosyo Center nationwide. We’re proud to say that na natulungan ng Negosyo Centers. Diyan sa Negosyo Centers maraming pwedeng itulong sa inyo pati ano ang pag-register ng business.

Ituturo kung sa pwedeng manghiram, may business councilors, etc. So doon, ino-offer din ang model na pwede nyong pasukan. Actually di kayo, ‘yung mga iba pang negosyo or walang maisip na negosyo. Pupunta sila para ano pa bang business model yan. Kaya nga andyan kapartner ‘yung mga franchising or kaya minsan may livelihood kami na pwedeng ioffer ‘yun sa talagang very basic. But the other part of franchising rather than you getting the franchising–is your business ang ipa-franchise and that’s the bigger story. And this is what we refer to as innovating your business model.

So from your business model, you are selling, you have a kiosk, you have a store, now the actual business model when you make money is through franchising – it’s no longer just selling the product. This is the reason why dinadayo po naming ito pati ako dumayo dito para pakita na this is a very good program. Franchising is the key to really elevating your business model, upgrading ‘yung business model.

Ang dami naming istorya na ganyan. And of course, our partner sila Dean Pax, Sila Jorge, AFFI and lahat po ng kasama namin, ang kwento po nila dumami talaga, lumaki ‘yung negosyo nila nung nag franchising sila. And I’m really thankful sa HAFFI because they are sharing this knowledge. Palakpakan natin ang AFFI for really sharing this knowledge. Di nila inaangkin, kami lang, amin lang to kasi sa totoo lang marami na silang ginawang pera. Dahil sa dami ng branches nung franchise na kumuha under them. But they all sharing this secret to you and the system para kayong lahat nagkwento na kayo ng mga inspiring story siguro. Walang wala na, pero nag umpisa ng system na isang negosyo muna establish ‘yung track record tapos pafranchise. Biglang ang dami ng naging prosperous.

In other words, milyon milyon na ‘yung kanyang naipon dahil sa dami ng kanyang successful franchise system. And that is what we would like you to have. And that’s the reason why we are here and we are all working towards. ‘Yung sa inyo pong fulfillment ng inyong mga pangarap.

And again, babalikan ko ‘yung sinabi ni Presidente Duterte.lahat po ito ginagawa ho ng gobyerno, in partnership with the likes of AFFI, para ho talaga maiangat ‘yung buhay ng bawat Pilipino. It sounds na parang paulit ulit but that’s really the main story. Lahat po ito ay para sa tao, para po sa inyo, para po sa ating mga kababayan. Kaya more power to all of you and makinig ho tayo at matuto.

Thank you.