August 13, 2020, as delivered

Magandang hapon po sa inyong lahat!

Gusto kong batiin ang aking idol na Governor. Hindi po dahil sa pinsan ko po siya, kung ‘di dahil talagang idol na idol ko ‘yan—Boss Jonvic Remulla, sa inyo pong pamilya kumusta po. Sa atin pong mga mahal na alkalde ng probinsya ng Cavite, mga kasama po natin sa IATF, NTF, fellow Secretaries, ang mga masisipag na Usec., lahat ng Czar, sa atin pong mga kasama sa media, Magandang hapon po.

Kami po sa DTI, we’ve been an active part nitong IATF at ngayon po ay nasasama po ng ating National Taskforce sa pag-ikot po sa iba-ibang probinsya. Kahapon po nasa Rizal kami, kaninang umaga nasa Laguna, ngayon naman po ay Cavite.

Amin po talagang ipinalalapit at ‘yung stronger coordination natin po sa national pati po sa local na level dahil ang talagang susi dito ang mga frontliner po—kayo pong nasa local government. Kayo po talaga ang nag-iimplement ng ating mga programa panlaban dito po sa COVID-19.

Sa pagbubukas, nakaka experience tayo ng mga challenges na hindi ganun kasimple dahil ang virus nandiyan pa rin nag-aabang ng next victim, parating nasa paligid. Di naman kilala ni virus kung GCQ ba ngayon or MECQ or ECQ. Kaya po sa pagluluwag, doon po tayo madadalePag nag GCQ, akala maluwag na. Ang atin pong talagang challenge ngayon, paano natin mababago ‘yung mindset ng mga kababayan natin sa bahay, sa opisina, kung nasa gobyerno man, nasa public, nasa sa sasakyan—paano mapapanatili ‘yung pag-iwas, pag-ingat against the COVID-19 virus? ‘Di po kinikilala niyan kung GCQ, ECQ o MECQ.

Kayo po dito po sa pagbubukas ng economy natin, isa pong na-observe ng National Taskforce sa mga factory, place of work—nandiyan po ang malaking chance ng hawahan recently kaya nag-taasan ang numero natin.

Nndiyan po ‘yung sa shuttle vehicle kung saan nagkukwentuhan, nagkakainan, tumatawag sa telepono, tinatanggal ang mask. Nandiyan din po ‘yung sa mga canteen na nagtatanggal ng mask—kain, kwentuhan, tabi-tabi—nagkakalimutan. In other words, bumibitaw po.

Iyon po ang ating constant reminder up to the implementation, na dapat ang ating mga kababayan, we have that consciousness and awareness. Dahil po doon, naisipan po namin at nararapat lamang na palakasin pa ‘yung ating mga workplace protocol. If you remember, nag-issue na po tayo ng workplace protocol way back May noong nag-uumpisa tayo ng re-opening.

In the past three days as we met different groups, fina-fine tune natin up to this morning ‘yung ating bagong set of protocols. Papasadahan ko lang po ng mabilis para po kung may Q&A mamaya ay masagot pa natin. Kami po ni Sec. Belo, DOLE at DOH, ay magkasama po sa nag-draw up ng panibagong protocol.

With your indulgence, let me just outline. For example po, ‘yung sa shuttle service alam natin na ni-require natin ito sa mga factory, sa mga companies, lalo na ‘yung malalaki—may definition tayo: 15 million and above. Ibig sabihin, medium size hanggang large size establishments required mag-provide ng shuttle.

Inside the shuttle walang tanggalan ng mask or face shield. In fact, naka-face shield. No talking. No eating. No mobile phone, except texting. Kung maaring iwasan, wala nang phone call kasi nandiyan po talaga nagkakaroon ng transmission. ‘Yung faceshield madalas kaming tinanong kung required ba talaga ‘yun sa trabaho? Pano kung nakaharap ako sa computer, nakaharap ako sa microscope, nakaharap ako sa mga equipment? Pwedeng tanggalin ang face shield, syempre, dahil wala ka namang katabi. Pero kung ikaw ay makikipag-usap sa ka-opisina mo, kung may kausap ka na or ikaw ay frontliner na kausap ng customer or nagmi-meeting kayo, kailangan talaga na may face shield.

Sa guidelines sinabi rin gaano kadami ang pupwede sa loob ng meeting room, so doon na po madedetalye ‘yunSa mga canteens, ni-recommend po namin na no dine-in. Pero po sa amin pong pakikipag-usap sa iba-ibang companies, lalo na ‘yung mga PEZA locators, medyo malalaki ‘yan at inayos talaga nila ‘yung kanilang mga canteen. May mga physical barrier at one meter apart, two meters apart ang mga upuan at mesa. Iyon po ‘yung ni-rereconsider namin na pwedeng payagan na ulit na pwede inside the canteen na kakain.

Otherwise, kung hindi magagawa ‘yung walang kakain sa canteen, dalhin na lang nila sa isang kwarto individually at walang sharing. Kung pwede doon din sa workplace, but again, ‘yung mga electronics company no food inside the workplace kasi clean room area, so syempre hindi naman papayagan na kakain doon sa workplace—so another room. So kailangan talaga ‘yung principle ng physical distancing.

Sa smoking, bawal na po ‘yung smoking area na common, pero pwede basta individual. Kung mama-manage ‘yung individual smoking area na may sariling booth o kaya magkakalayo kayo na tig-isa bawat puno, ayan po pwede po. Otherwise, kung di po mame-maintain ‘yun, ideally no smoking. Diyan din po sa smoking area nagkakaroon ng hawahan ‘pag tinatanggal na ‘yung mask, nagsisigarilyo at nagkukwentuhan. Ilan lang po ang mga detalye na ‘yan na ini-improve natin sa ating mga protocol.

We will be requiring companies to provide also isolation rooms with toilet para kung may workers na kailangan dalhin sa isolation room—let’s say suspect siya bago itest. After itest ay meron pong isolation room ang bawat company.

Ideally, .05% tulad po nung ire-require ng DILG sa bawat barangay na may at least .05% of the population. Equivalent po ‘yan ng 1 room for every 200 people or workers. Iyon po ang guidelines po natin doon.

Kung Micro enterprise, ipagsabihin wala kaming pampagawa ng isolation room, pupwede pong makipag-coordinate po sa mga barangay para may arrangement po.

So ulitin lang po natinHindi po namin nire-require or nire-recommend ang PCR test or Rapid test para lang makapagtrabaho. Kasi po ang unang protocol natin mula sa DOH ay kapag symptomatic at may exposure, doon lamang mag PCR testing. Para di rin mag-alala ‘yung mga kumpanya.

Napaka-importante po na bago mag-testing, sana po itong mga kumpanya ay i-coordinate na po sa mga barangay at tsaka sa LGUs para po ma-monitor, ma-track kung sino ‘yung tinest at ano po ‘yung resulta nya. Para po ‘pag may problema, at least captured na natin siya.

Again, in this fight against COVID ang talagang task po nating lahat, lalo na po si Tracing Czar ay mahabol, mahanap lahat ng mga possible carrier. Nandoon po ang big challenge. Kaya po before the testing, i-coordinate na po, makikipag-ugnayan na po sa LGUs, and of course, the reporting of the cases. You must report the results to the LGUs.

We have the basic requirement ‘yung mask, faceshield, paghihiwa-hiwalay or distancing, as well as ‘yung frequent handwashing.

Last major thing is sa bawat kumpanya, we will be requiring ‘yung health protocol officer pati po ‘yung health and safety committee para po katulong natin, kasama po natin sila sa pag secure, pag-ensure ng compliance ng lahat ng ating protocol. Dahil ‘di po natin magagawa ‘yan—kahit sa LGU, lalo na po sa national government—na matutukan isa-isa, so we need their assistance and will make them responsible.

Ang DOLE naman po ay may constant audit ng mga kumpanya at sasamahan po ng DTI—magha-hire na rin ng kahit contractual—para tumulong po sa pag-audit ng DOLE sa mga kumpanya, para po ma-audit at masiguradong they comply.

Ang atin talaga pong requirement lamang ay itong mga kumpanya ay dapat sumunod. Sa una po, magwa-warning po tayo. Kapag binalikan at hindi pa sila nag-comply, pwede po natin isara. Ayaw talaga natin isara, pero kinakailangan para sumunod. Isasara po just until they are able to comply. Just for them to comply, which will take maybe one day or two days. Pag nag-comply, we have to re-open. So that is our only request—na ayaw po natin silang pahirapan, pero ayaw din natin na ‘di sila sumunod. So, it’s very important that they comply. Closure for non-compliance. Hanggang mag-comply, doon po bubuksan po natin kaagad-agad. So ‘yun lang po.

Sana po ma-imbibe sa ating mga kababayan ‘yung “ingat buhay para may hanapbuhay,” Sama-sama po tayo rito.

Thank you. Magandang hapon po sa inyong lahat.