SPEECH OF SECRETARY RAMON M. LOPEZ
AT THE KAPETIRYA LAUNCH
March 20, 2019, Crafts and Productivity Center, Baguio City
Magandang umaga ho sa inyong lahat. Good morning Baguio. Allow me to join the previous speakers in really thanking, ito po from the heart, our partners from the local government led here by no other than the honorable Mayor Mauricio Domogan. Maraming salamat po, Mayor. At ang ating nangungunang Councilor, Mike Lawana.
Naikwento po kasi nila the way nasuportahan niyo po ang mga proyekto ng DTI lalo na po ito hong paligid natin na OTOP at Kapetirya. Ito ho ay lugar ninyo na pinagkagastusan niyo pa para sa DTI. Alam niyo hong walang budget ang DTI, kaya’t maraming salamat ho sa local government led by Mayor Domogan.
Syempre sa ating DTI Family, led here, next to me po si Asec. Bles at ang reyna ho ng kape, coffee queen na tinatawag, si RD Myrna Pablo–isa hong napaka-passionate na head ng coffee industry cluster nationwide. Hindi lang sa CAR.
Of course to the CAR family of DTI, NEDA, and TESDA. Private sector partners, na hindi naman mao-operate ito kung wala sila. Ang nag-volunteer po na mag-operate nito ay sina Mr. Ervine Pangwi and family, Marikit also. It’s a family affair. Sila po ang mag-ooperate, pro bono.
Kasama po ng ating mga mentor na pro abono. Abono sila paakyat, abono pababa. Sa lahat po ng pa-meetings, Coke Zero lang ho ang katapat. Sa susunod ho, kape na ang katapat. Sila Dean Pax Lapid, the bestselling author ng maraming entrepreneurship books. Professor sa AIM, naging dean sa maraming eskwelahan, lalo na ‘yung Entrepreneurship School of Asia.
Ang dean na rin ang tawag namin, Dean George, for starting many projects, Potato Corner, kasama po siya, ‘yung worldwide na ngayon. At ‘yung sikat na sikat ngayon na Tokyo Tempura at marami pang new concepts. Actually ‘yung idea galing kay Jenny, ‘yung asawa. Sila ho, the dynamic duo, the couple that’s really working hand in hand.
Salamat sa inyo, George, Dean Pax, and Jen, ang lahat ng ito ginagawa ninyo para sa bayan. Hindi lang naman po para sa DTI. Although kayo po ay mentors ng DTI at ibang organisasyon din. We’ve been really helping a lot of organizations as part of our passion to help the Micro, Small, and Medium Entrepreneurs. Ang ambisyon ho natin dito, ‘yung mga maliliit lumaki. ‘Yung micro maging small, ‘yung small maging medium, at kalaunan, sila na ang maging large. Ito po ang vision natin sa project na Kapetirya. Para rin pong OTOP na katabi.
Wala ho kaming ibang objective kundi tulungan ang maliliit na negosyante, mga maliliit na magsasaka. ‘Yan din po ang vision ng ating Pangulo. Ang Pangulong Duterte, napakalambot ng puso sa mga bottom of the pyramid na tinatawag. Sila ‘yung mga mahihirap, maliliit, nahihirapan na sa kanilang buhay. To live a comfortable life. Ang to help them live a comfortable life, kailangan silang alalayan sa kanilang mga gawain.
Kaya nga ho, kahit sa Ease of Doing Business, napakadali, hindi na sila pipila, mag-aantay. Kapartner po ang mga LGUs d’yan. At sa pagnenegosyo, hindi na mahihirapan kumuha ng permit. Marami ho tayong ginawang reforms d’yan. At kasama na sa pagtulong sa kanila ‘yung kabuhayan mismo.
Ito hong konsepto ay hindi lang para i-promote ang Philippine brand of coffee na sikat na sikat ngayon. Marami hong nananalo sa cupping competition galing sa different parts of the country at nangunguna na ho doon ang CAR dahil ‘yung huling nanalo sa cupping competition ay galing dito. ‘Yung Ato coffee. Marami tayong magagandang brand. Kailangan lang ho ma-shocase sila, maipakilala sa buong mundo.
Ang layunin natin ngayon ay maipakilala ang Philippine coffee at kapag naipakilala at dumami ang Philippine coffee outlets, ang mga farmers na nagsu-supply, matutulungan. So in effect, ang ginagawa ho natin dito ay pinaparami ang market access o market outlet ang mga gawain ng mga magsasaka natin. This amounts to alleviating poverty, lalo na ho sa farming sector. Kaya’t ang partner po namin ay DA. Napakaimportante po ng pinirmahan namin si Secretary Manny PInol na tungkol dito sa coffee. From production, ibig sabihin farmers, to the use of coffee processing and marketing of Philippine coffee brands.
Alam niyo po ba, sa Pilipinas, we are the number one importing country of coffee. Nagulat din ako doon. Ang daming malalaking bansa, pero number one mag-import ang Pilipinas. Sa pag-consume, tayo ‘yung number five. Pero hindi tayo number one sa pag-produce. Mas marami tayong iniimport, ibig sabihin, mahina pa ‘yung production natin. We had to imoprt. ‘Yung iba, number one sa consumption ng coffee, pero hindi number one sa importation, ibig sabihin may production sila. ‘yun po ‘yun. Just looking at those basic numbers, mahalaga na mapalaki natin ang production natin ng coffee. Malaki ho ‘yung inaasahan naming partnership with DA sa pagtulong sa coffee farmers dahil kailangan may production tayo.
Kapag napalakas na natin ang demand sa mga outlet na to, at ng mga SME processors, makukumbinsi na natin ‘yung mga manufacturers tulad ng Nescafe, URC na yung demand nila manggaling na lang sa Pilipinas. Huwag na iimport. ‘Yung import na ‘yun–mga 80 to 90 percent ng coffee consumption ay ang instant coffee. Kaunti lang ‘yung mga tindahan na ganito. ‘Yung mga ganito, pang may kaya na, noh?
Just to show you the point, ‘yung instant coffee, nakikita natin, may 3-in1, 5-in-1, may 7-in-1 pa. Instant coffee is really the number one consumer coffee. But as the economy levels up, tumataas ang per capita natin, dumadami ang middle class. Nasasanay na ‘yung mga tao na kumakain sa labas, medyo sa pa-sosyal sosyal, nagbabasa d’yan, meeting meeting. So nagiging lifestyle na ho. Dumami na ‘yung ating mga coffee shops. Doon sa data na nakita ko, over 16,000 or 17,000.
At hindi tayo nag-iisa, marami tayong kumpetisyon. But the market is so big and the trend is towards eating out. Of coffee-ing out. So this is the way to go, nasa tamang trend tayo. And we have so many plans dito sa Kapetirya. At simula pa lang ito. Maraming salamat po sa local government ng Baguio, dito nag-buena mano ang Kapetirya, ang first retail coffee concept na atin pong ikakalat sa buong bansa.
Ito po ay nagsimula rin dahil ang konsepto ng Kapetirya, eh hindi naman ako ang nag-imbento niyan. Nagsimula ho ‘yan way back, maybe 6 years ago. Pero nakkita ko po laging ang Kapetirya sa mga trade fair. Tapos nawawala. Tapos kapag may trade fair, nandiyan na nanaman. Tapos nawawala na naman.
Sabi ko ho, ang ganda ng opportunity to use Kapetirya to promote Philippine coffee para sa ating mga magsasaka. So dapat hindi siya pang trade fair lang. Dapat ma-mainstream, makikita mo everywhere. ‘Yun po ang vision natin dito.
Kapag na-perfect po natin ang business model na ito. Ang intention po natin ay i-franchise ito. Kaya nandiyan po ang tatlong mentors na expert sa franchising. Kaya sila po ang tumutulong dito. Dahil sila ho, marami nang na-develop na franchise. Kapag ito ho, na-franchise natin, imagine ‘yung paglago nito. Hopefully, dadami ito, mga 300 to 500 branches. Or 1,000. Basta kapag kiosk concept, mas madaling padamihin. Padadamihin ito. Maraming maliliit, matutulungan pa, more SMEs, ‘yung mga gustong mag-negosyo pero wala pang naisip na negosyo. Pwede nilang gamitin ‘yung franchise concept as negosyo. Pwede nilang gamitin ‘yung Kapetirya concept that we have. It’s a government-owned brand, it’s not a private sector-owned brand, but the expansion will be private sector-led.
This is where we see a public private partnership. ‘Yun po talaga ang elemento na napaka-importante. And this is a tried and tested concept. Kung alam niyo po ang Go Lokal! Na nsa mall ngayon, in fact over all City Malls, in SM, ang unang nag-adapt Robison’s, Rustan’s.
Go Lokal! Is a concept. It’s a DTI-owned brand. ‘Yung SME nagsu-supply, at ‘yung private sector nagbibigay ng free space. Libre! Bakit libre? Dahil sila naman ang binigyan natin ng negosyo na ‘yun. You run the business but you carry our brand. In doing that, it’s a symbiotic relationship. Win-win. Natutulungan sila at natutulungan din ang gobyerno. So dito po, ‘yun din ang gagawin natin. Hopefully 1,000 branches.
Kapag naging matagumpay ang ating local coffee, imagine sa lahat ng offices ng government agencies, sa Baguio City Hall din, sa Burnham, sa lahat ng tourist areas. Lahat ng condominiums sa bansa, sa ground floor, sa lahat ng gustong mag-kape, tayuan na natin ng kiosk ng Kapetirya. ‘Yan po ang ating ambisyon. Kaya God-willing, dahil binasbasan po tayo ngayong araw na ito, sana mabasbasan rin ang ating objective na gawin ito nationwide.
Let me just end by thanking our partners, lahat po kayo dito. At syempre ang ating buena mano na locator, ang city government ng Baguio, Mayor Domogan, maraming maraming salamat po sa inyong lahat.