As-Delivered Speech of Secretary Ramon M. Lopez
Marawi Entrepreneurs’ Forum & Job Fair
16 July 2018, Mindanao State University, Marawi City
 
[Greetings]
 
As-Salaam-Alaikum. To our Mindanao State University President Dr. Habib Macaayong, our partners from the private sector, starting with PDRF, Al-Amanah Islamic Bank, our partners from USAID-Surge Project, Asec. Felix Castro of Task Force Bangon Marawi, our partners also from UNDP, ASA Philippines, East West Seed Co., Coca Cola/TESDA—which will provide more training especially to those who have sari-sari stores. Palalakihin po natin yan para maging groceries in the future.
 
Ang PCCI Marawi Chamber, ang DOLE at DSWD, sabi ni Usec. Gani Macatoman, we have companies who will provide job opportunities for all of you here. Ang ating DTI Family, led by Usec. Gani Macatoman, Asec. Nes Perez, Regional Director Lydia Boniao.
 
Magandang umaga po sa inyong lahat.
 
[Introduction]
 
This event is part of the Bangon Marawi project. Kagustuhan po ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipagpatuloy ang mga programa para makatulong sa ating mga kababayan dito po sa Marawi, lalo na ang mga biktima ng Marawi siege.
 
Sinisiguro po namin na makabangon ang mga negosyo, at least sa DTI, yan po ang pangunahin naming gawain sa Marawi Task Force. Nais po namin na maibalik ang mga trabaho at negosyo dito.
 
Ang DTI at Board of Investments ay naghahanap ng mga investors na magtatayo ng mga planta—mga manufacturing plant—at iba pang mga negosyo sa Marawi at mga karatig na lugar upang makapagbigay ng mas maraming trabaho sa lahat.
 
Ang DTI ay nag-partner din sa iba-ibang private sector groups, ang ilan dito ay nabanggit na rin kanina. Ito po ay bunsod ng mga konsultasyon sa mga civil organizations ng mga IDPs (Internally Displaced People). Nakipag-usap po kami sa mga IDP leaders para malaman kung ano ang inyong mga pangangailangan upang ito ang aming matutukan.
 
Ang Department of Trade and Industry rin ang namumuno sa Task Force Bangon Marawi Sub Committee on Business and Livelihood. At ang aming adhikain po sa DTI ay Trabaho, Negosyo, pati na rin Consumer protection. Binabantayan po namin ang standards at presyo ng mga produkto. Ang mga partners sa private sector ay kasama namin sa pagbibigay ng livelihood programs.
 
[Starter kits]
 
Ang DTI po ay mamimigay ngayon ng Php 15,000-worth ng starter kits para kayo ay makapagsimula ng inyong mga negosyo. Ito po ay hindi ipinamimigay ng cash, kundi mga gamit para sa nais niyong buksan na negosyo. Pwede itong sewing machines, mga paninda, o food stalls. Ang nais po ng ating Pangulo ay mabigyan kayo ng pag-asa at tunay na livelihood para umangat ang buhay ng lahat.
 
Since the start ng programa sa Bangon Marawi, ang ating Small Business Corporation ay namamahagi po ng mga Shariah-compliant na pautang. Ang kailangan lang po naming ay certification na kayo ay parte ng isang asosasyon o negosyo. Kunwari sa palengke, certification lang galling sa vendor’s association. Wala nang DTI registration na kailangan.

 

Ito ay para lang masigurado na ang umuutang ay nagnenegosyo at may pambayad. Hindi naman po pwedeng magpapautang lang ang gobyerno na hindi sigurado sa pagbibigyan.

Meron din po tayong pautang para mga pamilya ng mga kasundaluhang wounded- or killed-in-action (WIA/KIA). Dahil sila rin po ay naapektuhan ng giyera sa Marawi.

 
So far, mga mga 756 livelihood starter kits na naipamahagi sa mga beneficiaries:
 
295 sewing machines, 56 sewing kits, 213 starter cloths
20 karinderia starter kits
76 sari-sari store kits
20 carpentry tools
20 electrician tools
20 Maranao delicacies starter kits
20 street food business starter kits
11 bongo trucks
5 mobile rice mills
 
Sa 500 po na mabibigyan ngayon ng starter kit, tatanungin po naming kayo kung ano ang gusto ninyong starter kit. Bibigyan muna naming kayo ng starter kits, lahat po kayo ‘yon na nandito ngayon.
 
At magandang balita po, yung budget po natin sa livelihood sa Task Force Bangon Marawi ay naaprubahan na po ng gobyerno ni President Duterte, ng Department of Budget and Management. Kaya ang lakas din po ng loob naming na magpangako sa inyo dahil meron na po kaming ibibigay.

 

[Microfinancing]
 
Ito po ay grant, hindi po utang. Yung sinasabi ko pong utang ay iba pa yon. At bukod pa ito sa mga kasama nating kumpanya na magbibigay gamit ang kanilang mga programa. Ito po ay grants din. Pwede po itong training, seeds. May mga pautang din po sila yung isa po, hanggang Php 300,000, yung isa naman, hanggang Php 500,00.
 
Yung amin po hanggang Php 200,000, pero titignan po namin ang inyong pangangailangan at kakayahang magbayad. Hindi po magbibigay agad ng malaking halaga. Kapag maagap po kayong magbayad, pwede kayong manghiram nang manghiram ng mas malalaking halaga. Kaya mahalaga po na may track record kayo sa maagap na pagbabayad. Yung pagpapautang po, sumasabay sa paglago ng inyong negosyo.
 
Kailangan po masinop ang financial management para umunlad ang negosyo. Kaya confident kami na magpahiram sa mga Maranao dahil kayo ay kilala bilang magagaling sa negosyo. Palakpakan po ninyo ang inyong mga sarili.
 
[Market access]
 
Mahalaga din po na ang maganda at well-designed ang ating mga produkto. It should be quality at the right pricing. Kaya kami po sa DTI ay naglunsad din ng Bangon Marawi store sa DTI office sa ground floor. We provided a space there for a retail store, parang mga stores sa mall. Isinali din po natin ang mga produkto galing dito sa Go Lokal! na nasa mga malls tulad ng SM, Robinson’s, at City Mall. Lalo na po sa City Mall na may Go Lokal! outlets sa lahat ng branches.
 
Kapag pasado na ang inyong produkto, dadalhin po naming ito sa Go Lokal! sa mga malls nang walang bayad. Sa mga malls, may mga renta at listing fee para makapag-display ng mga produkto. Wala na pong ganyan sa Go Lokal!
 
Pati na rin po sa mga OTOP o One Town One Product stores sa mga pasalubong centers. Nagbago na po ang branding at naging OTOP Philippines Hub. Napakaraming programa po ng DTI para sa inyo. Mula sa product development, equipment, at market access.
 
Meron din po tayo ngayong job fair ka-partner ang DOLE at TESDA at iba pang mga partners na nabanggit na kanina.
 
[Medical mission]
 
Before I end, meron din pong programa ang mga asawa ng Gabinete, mga Cabinet spouses, ngayon. May medical mission po sila. Kasama po nila ang mga surgeons na galing sa Pilipinas at ibang bansa na naglaan ng kanilang oras para sa mga major surgeries. Nandito po sila hanggang Wednesday. Kaya po kung hindi niyo pa narinig, iniimbitahan po namin ang mga may problema sa kalusugan na makipag-ugnayan na lang sa aming Regional Director para maimbita po kayo.
 
[Closing]
 
Nagpapasalamat po kami sa mga nag-organisa nito, sa Task Force Bangon Marawi. Lalo na at nangako ang ating Presidente na hindi kayo iiwan. Sisiguraduhin po naming na tumulong sa inyong kabuhayan. Ang gobyerno po at committed sa ating vision para sa mga naapektuhan ng Marawi siege na maging komportable ang buhay ninyong lahat.
 
Maraming salamat at magandang umaga.