SPEECH OF SECRETARY RAMON LOPEZ
OTOP HUB BLESSING AND BUYER’S DAY
JULY 4, 2019, DTI MAIN BUILDING
As delivered

Good morning. It’s great to be here, another milestone in the history of DTI, as well as OTOP, including the Go Lokal! na rin. Definitely, congratulations to the team. Sina Usec. Zeny, the team of the Asecs, led by Asec. Demphna for the OTOP, Asec. Bles, is Asec. Ameenah here? And all the RDs, Regional Operations Group, BSMED, BDTP, lahat po ng tumutulong dito para ma-relaunch po natin ang OTOP.

OTOP is a very good program, especially now that we have the OTOP Hub. As you know, we are all doing this not for us, pero para sa mga kababayan natin na nandoon sa micro and small segment ng ating entrepreneurship community.

Ang atin pong pangulo, ang kanyang puso ay nasa maliliit na tao. Ang kanyang sinabi, ay huwag na ‘yung malalaki, kaya na nila yung sarili nila. But really, OTOP is about empowering those at the bottom of the pyramid at the entrepreneurship triangle. Ito po ‘yung mga micro and small, ‘yung mga startups.

Kita naman po natin ‘yung nagagawang empowerment sa ating mamamayan. Karamihan dito nagmula sa maliit, nandito ‘yung mga inspiring stories natin. Even si Clarke na hindi naman kaliitan ang negosyo, pwesto lumaki noong na-mentor. At ngayon at mentor na siya. Magandang mga examples ‘yan. Marami sa atin ay nagsimula sa wala, nagsimula sa maliit, pero lumaki.

Empowerment brings enhancement of the business model, and enhancement of the product. Hindi naman bibilhin ang produkto dahil MSME ka, bibilhin ‘yan dahil enhanced product ‘yan. Bibilhin at bibilhin.

We have thousands of stories to tell. Alam nila ‘to, ‘yung team nina Demphna, nina Leon, going around the country, and the team in the regions, talagang direct tumutulong sa MSMEs. Kaya pinapa-highlight natin ‘yung before and after, talagang ang laki ng pagbabago. Kaya nga noong gumanda na, ang benta nila nag-double, triple, quadruple, and many more.

‘Yung dating OTOP, ang report sa akin, less than a million pesos ang benta, ngayon halos, PHP 2 million na. Lumalaki talaga. Lumalaki sila. Ang sipag at tiyaga, maganda ‘yan eh. Pero kapag naturuan mo pa ng creativeness at being smart entrepreneurs, sabi ng natin, ‘yung sipag at tiyaga nagiging two times, three times eh. Dahil mas maganda na ‘yung sistema, produkto at processes. Ngayon, ‘yung pagod mo, mas malaki ang balik sa’yo. Talagang ito ‘yung prosperity na nadadala sa ating mga kababayan.

Napakalaking bagay na nakikita niyo talaga—in fact meron tayong report dito—kung papaano natutulungan ang ibang businesses. Nandito po ba si Mark and Veronica Reyes? Owners po sila ng Nolan Lucas. Batang bata. OTOP beneficiary sila noong 2018. Natulungan sila sa packaging, label. At ngayon naka-attract na sila ng institutional buyers. Naging regular supplier na sila. Ang sales nag-increase ng 130% in 2018 compared to 2017 dahil sa trade fairs at pag-improve ng produkto at pagsali sa trade fair. Palakpakan po natin.

Si Ellynes Tuna Chicharon at Ellynes Pasalubong Products, nandito ba? Nasa loob. Nasama rin sila si, Ms. Felisidad Into. Na-improve din ang kanilang produkto sa packaging, label. At ang quantity ng kanilang benta ay nag-double kahit nag-increase ang presyo.

Iyan naman ang maganda sa magandang packaging. Mas malaki mo nape-presyo nang hindi umaangal ang buyer. Value for money tayo lagi. With that higher pricing, ang tubo lumalaki. For the same pagod, mas malaki ang kita. Prosperity ang kapalit.

Ito po ay gustong gustong program ng ating Pangulo. We want to make more Filipinos prosperous. Isa pa po si Baker’s Field Biscocho de Zamboanga ni Ms. Ester Perez. Tapos ang maganda pa ho nito, kapag napaganda ang produkto, mainstay na siya sa mga OTOP Pasalubong Centers. That is also another initiative or innovation that we did at DTI, ‘yung mga produkto, hindi lang sa trade fair lilitaw. Lulubog, lilitaw. Kapag trade fair lang nabebenta, kapag wala, hindi na makita. So ngayon, with digital technology and mainstream, every day present na ang produkto. With OTOP Hub, available na siya, every day.

Madami na tayong OTOP Hubs at laging bukas ‘yun. Magkakaroon ng libreng exposure ang produkto nila. Hindi kami naniningil. Kung sa mall pa ‘yan, may bayad pa yan. At meron pang isa, Go Lokal! Marami na tayong ginawa to mainstream the MSME market. That’s really a huge improvement, better the sales of our MSMEs leading them to prosperity. Lahat ito ginagawa natin para sa tao, para sa ating mga kababayan.
Magandang umaga sa inyong lahat and again congratulations.