Magandang gabi po Mr. President Mayor, Senator Bong Go, at mga kasama sa gabinete, fellow workers in government, sa sambayanang Pilipino. Magandang gabi po.
I am pleased to share these updates from the Department of Trade and Industry (DTI).
Layunin po namin sa DTI na mabigyan nang mas masagana at maginhawang buhay ang bawat Pilipino ayon sa vision ng ating Pangulong Duterte. Ang DTI ay inatasan ng batas na magtrabaho upang maka-develop ng isang globally-competitive and innovative industry and services sector na tutulong sa paglago ng ekonomiya upang mabigyan ng maraming oportunidad ang bawat Filipino upang umunlad ang kabuhayan at mabawasan ang kahirapan.
Sa bawat trabaho at negosyo na ating maitataguyod, isang pamilya ang mahahango sa kahirapan. Ito po ang nais natin makamit – ang inclusive prosperity!
Ang aming strategy para maabot ang mga ito ay nakapaloob sa tatlong bagay: T-N-K — Trabaho, Negosyo, Konsyumer Proteksyon.
Sa pagtutok sa tatlong bagay na ito—Trabaho, Negosyo, Konsyumer, mararating natin ang tinatawag na inclusive growth and prosperity kung saan lahat ng mamamayan, maging ang pinakamahirap, ay makikinabang at makakasama sa pag-angat sa antas ng buhay.
TRABAHO
Ang role ng DTI ay paramihin ang mga available na trabaho para sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paglago ng mga industriya, investments at exports.
Atin pong pinaparami ang investments upang maparami ang trabaho. Pinapaganda po natin ang investment climate para mahikayat ang marami pang mamumuhunan o investors.
Salamat po, Mr. President sa pagpasa ninyo ng mga mahahalagang batas na nag reporma ng business climate sa ating bansa. Una na ang pagpasa ng CREATE Act or Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises, na nagbaba ng corporate income tax mula 30% to 25%, at down to 20% para sa mga micro small and medium enterprises. Pinalawak din at isinaayos ang fiscal incentives, pinahaba ang dami ng taon para sa income tax holidays at special corporate income tax, at maraming enhanced deductions.
Pinirmahan po ninyo, Mr. President na certified at urgent ang tatlo pang reporma na panukalang batas para makahikayat pa nang mas maraming foreign investments dito sa ating bansa at makalikha nang mas marami pang trabaho – ito po yung revisions sa Retail Trade Liberalization Act, Public Service Act, at Foreign Investments Act.
Inyo rin pong pinirmahan ang Ease of Doing Business Act noong 2018, na magpapadali ng proseso at transaction sa mga government agencies—giving a maximum of three days processing for simple transactions, seven days for complex transactions and 20 days for highly technical transactions. So, three-seven-20 days maximum. Ito po ay ini-implement ng ating Anti-Red Tape Authority o ARTA.
Marami pang ibang reporma tulad ng Revised Corporation Code, Philippine Innovation Act and Innovative Start Up Act at Telecommuting Act at mga free trade agreements tulad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na nag-aangat sa Pilipinas upang maging isang preferred investment destination.
Pinalakas din po ang investment promotion efforts ng DTI-Board of Investments (BOI).
Ang mga investments po na pumapasok ay nag lilikha nang maraming trabaho, at nag-aangat ng level ng technology sa manufacturing sa ating bayan.
Tulad po ng Dyson Electronics, na naglipat ng kanilang facility mula sa isang Southeast Asian country at ngayon ay nasa Pilipinas na. Ang Dyson Electronics ay isang malaki at highly-advanced British technology company na gumagawa ng mga vacuum cleaners, hand dryers, bladeless fans, humidifiers, purifiers, lighting, dryers and heaters, through advanced technology.
Nakakatuwang malaman na kahit sa panahon ng pandemic ay mataas pa rin ang confidence ng mga investors na mag-invest sa mga mid- to long-term projects na magdadala ng progreso sa bansa.
Noong 2019 sa termino po ninyo Mr. President, nakamit natin ang pinaka-mataas na approved investments sa BOI sa loob ng 53 years na umabot sa P1.14-T. Last year, bagama’t may pandemic, ay naka-one trillion pesos pa rin na approved investments ang BOI. Ito ay inaasahan na magreresulta sa 766,244 na karagdagang trabaho. Ang combined approved investments ng BOI at PEZA ay umabot na sa P5.2-T magmula noong 2016.
Ang pagtaas ng investments ay may epekto sa paglago ng ating manufacturing sector, na kahit na may pandemic ay lumagpas sa 50 threshold ng PMI o purchasing manager’s index. Ang PMI na lagpas 50 ay nangangahulugan na mayroong expansion sa manufacturing kumpara sa nakaraan. Malaki ang pagbangon ng manufacturing index, mula sa 32 lamang nung nakalipas na taon sa kalagitnaan ng enchanced community quarantine (ECQ) last year. Nakabuti ang ating decision na payagan ang 100% operating capacity ang manufacturing sector para sa exports during ECQ ngayong taon na ito.
Sa paglago ng investments at manufacturing sector ay sumunod na rin ang ating exports na tumaas nitong April by 74.1% at year-to-date ay nag-register ng 20.9% growth. Ito po ay mataas hindi lamang versus last year, dahil low base effect, kundi kumpara rin sa 2019 na pre-pandemic level.
Ang malaking bahagi ng ating exports ay electronics. Over 62% of total exports. Masasabing high technology ang kakayahan nating mag-export at tayo ay bahagi ng isang global value chain.
Ang top countries ng ating total exports ay US, China, Japan at EU, majority of which involve electronics, machinery and transport equipment. Nakabuti ang foreign policy of independence ng ating Pangulong Duterte dahil lalong lumaki ang ating export market sa China. Ang exports ng Pilipinas sa China noong 2015 ay USD6.17-B at noong 2019 ay USD9.8-B or 59% growth in four years. Ngayong 2021 January to June, our exports to China ay USD5.5-B kalahating taon pa lang versus USD4.1-B last year, or 34% growth kahit pandemic year.
Isa pa sa mga magagandang nangyari sa Pilipinas sa termino ninyo ay ang pagkakabuo ng Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP noong November last year matapos ang walong taong negotiations. Ang RCEP ay isang makasaysayang Free Trade Agreement ng sampung bansang miyembro ng ASEAN kasama na ang Pilipinas at ang mga free trade partners tulad ng Australia, China, Japan, South Korea, at New Zealand.
Isa pa sa mga ginawa ng DTI para mapalago ang investments at negosyo ay pinadali natin ang proseso ng business registration. Kasama ang ARTA at mga ibang ahensiya, tulad ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Securities and Exchange Commission (SEC), Bureau of Internal Revenue (BIR), Social Security System (SSS), PAG-IBIG, PhilHealth, Food and Drug Administration (FDA), local government units (LGUs), napaiksi na natin ang proseso ng pag-rehistro ng businesses. Kung noon ay inaabot ng mahigit-kumulang 33 days ang proseso, sa ilalim ng ating Central Business Portal, ang pag-rehistro ng business ay inaabot na lamang ng mga five to seven days, at ito po ay online na under the Central Business Portal. Ito po ay gagawin nating isang araw na lamang, from end-to-end, bago po matapos ang taon. Doon lamang sa DTI registration ng business name, ginawa na po nating online application, pati payment of fees ay online, kaya ito po ay kayang ma-rehistro sa walong minuto na lamang!
Ito ang aming tugon sa nais ni Pangulong Duterte na gawing madali ang proseso at huwag nang pahirapan ang mga bagong negosyante sa mahahabang pila. Dumami rin tuloy ang bilang ng nag-register lalo na sa online businesses na involved sa retail trade—mula 1,848 lamang noong first quarter ng 2020, naging 88,575 sa katapusan ng 2020. Ngayon, ang bilang ng online business names na registered for retail trade ay 105,159.
Sa unang pagkakataon din, ang Pilipinas ay nagkaroon ng Artificial Intelligence o AI Roadmap. Ito ay inilunsad ng DTI nung Mayo, at hindi lamang malalaking companies ang makikinabang dito, kundi lalo na ang mga MSMEs o micro, small and medium enterprises. This will pave the way for establishing our very own National AI Research Center na pakikinabangan ng ating business sector. Ito po ay government initiative at kasama po natin ang Department of Finance (DOF) at Department of Science and Technology (DOST) at lalahukan ng iba’t-ibang pribadong kumpanya na ating mga partners kasama rin ang Asian Institute of Management or AIM Data Science Laboratory as technology partner. In the near future, magiging big data AI processing hub na rin ang Pilipinas, at ito ang nakikita natin na next Center of Excellence, next to the BPO industry. Gamit ang AI research, higit na magiging competitive ang mga Philippine businesses at magbibigay ng mas maraming high income na trabaho.
Nabanggit na rin ang BPO industry, mai-report din po namin ang patuloy na paglago ng BPO industry during your administration. Kahit sa panahon ng pandemiya, ito po ang industriya na hindi nag-layoff at patuloy pa rin na nag-empleyo ng maraming Filipino, nationwide. Ang sector po na ito ay nag-eempleyo ng 1.3 million direct employment, at indirect employment na four million. Ito ay may annual output na USD27-B, halos kasing-laki na rin ng OFW remittances.
NEGOSYO
Sa larangan ng negosyo at MSME development naman, ang goal ng DTI ay magkaroon ng mga entrepreneurs na innovative at creative at makakapaglikha ng mga produkto at serbisyo na may value-added upang magkaroon sila ng competitive edge sa mundo ng negosyo.
Ito rin po ang unang bilin ninyo sa akin Mr. President, noong ako’y nagsimula pa lang bilang DTI Secretary. Nais niyong matulungan ng DTI ang mga micro at small entrepreneurs. Binanggit din po ninyo sa State of the Nation Address (SONA) ang kahalagahan ng MSMEs sa pag-unlad ng ekonomiya, paglikha ng mga trabaho, at pag-ahon sa kahirapan. Kaya sa ilalim ng inyong pamumuno, we accelerated the support sa MSMEs. Kaya po kahit pandemiya, tuloy ang paglago ng negosyo. Totoo po na maraming na apektuhan at nagsara na maliit na negosyo dahil sa lockdowns. Subalit nalagpasan pa ng mga bagong bukas na businesses ang dami ng mga nagsasarang negosyo. In fact, mula 900,000 registered businesses noong 2015, ngayon ay 1.9 million na ang registered businesses.
Ang strategy namin para ma-accomplish ito ay mga programa ayon sa isang 360-degree approach, ang framework na tinatawag naming 7Ms. Ang 7Ms ay binubuo ng (1) Mindset change, (2) Mastery ng entrepreneurial skills, (3) Mentoring, (4) Money o microfinancing, (5) Machine or shared equipment, (6) Market access, at (7) Models of Negosyo. Ito ang nagsisilbing pathway to equip and empower entrepreneurs to move up in life and make a difference in the business world.
Pakinggan natin ang kuwento ni Aling Carmen Alcotin na natulungan at nakapagtaguyod muli ng isang karinderiya sa Cebu.
Ganito rin ang ginawa ng DTI sa Bangon Marawi initiative, na ang layunin ay tulungan ang mga na-displace people noong giyera sa Marawi. As of June this year, mahigit 50,000 na livelihood starter kits ang napamigay namin doon. Kasama ang group interventions sa city at kalapit na mga municipalities. Nagbigay din kami ng marketing assistance through trade fairs na ipinapakita ang Maranao products and artifacts.
Sa larangan ng money or microfinancing, nag-umpisa tayo ng programa, Mr. President, na Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso o P3. Dahil sabi ninyo, ayaw niyo na mabaon sa utang na 5-6 ang ating mga kababayan.
Ang P3 ay bilang response sa panawagan ni President Duterte to give Filipinos access to finance para hindi na sila maging alipin ng 5-6 moneylenders. Tinatag ito ng DTI noong 2017 upang tulungan ang mga maliliit na negosyante, mas mababang interest at walang kolateral. Panoorin natin ito.
Samantala, paano naman yung mga nagsara ang negosyo dahil sa pandemic? Para sa kanila, tinatag namin through the Small Business Corporation o SBCorp ang COVID-19 Assistance to Restart Enterprises o CARES, isang microfinancing program, na zero interest, no collateral at may grace period pa.
Tulad na lang ng nangyari kay Marilou Arellano. Si Marilou ay mayroong eatery at buko pie business na nagsimula pa noong 2015 at naging popular sa mga turista at biyahero. Bago mag-pandemic, maganda ang takbo ng kanyang negosyo. Bagama’t nagsara sila noong ECQ, nag-desisyon sya na magbukas muli para magkaroon ng kita ang kanyang mga empleyado. Dahil matumal ang business, napilitan siyang tanggalin sa trabaho ang dalawa sa kanyang apat na empleyado.
Mabuti na lang at nabalitaan niya ang tungkol sa Bayanihan CARES Program mula sa provincial office ng DTI. Madali siyang naka-apply ng loan na zero interest at walang maraming requirements. Sa ngayon, ayon kay Marilou, unti-unti na nakaka-angat ang kanyang negosyo.
Si Marilou ay isa lamang sa 33,300 natulungan ng CARES program ngayong pandemic. As of 23 August 2021, halos P5.3-B na ang naipahiram ng programang ito sa mga maliliit na negosyante, na karamihan ay nag-apply ng loan online.
Para naman sa mga maliliit na negosyante na nag-aatubiling umutang, ang pamimigay ng start-up livelihood kit ang pinaka-effective na paraan upang sila ay maabot.
Isa pang bagong program under your administration na nagpalakas sa maraming SMEs ay ang Go Lokal! program natin kung saan nabigyan natin ng magandang exposure na libre ang mga produkto ng SMEs—sa mainstream market kung nasaan ang mga taong namimili—sa mga malls. Hindi na mag-aalala ang SME sa renta or listing fee para maialok ang kanilang mga produkto—ito ay parang trade fair every day, hindi lamang tatlong araw. Marami sa SME ay dito na-discover! Dinirekta namin sila sa retailer, libre, walang listing fee, walang renta, sa loob po ng mga mall. Ang mga produkto pong iyan ay lalaban sa mga imported.
Ganito rin po ang programa natin sa OTOP or One Town, One Product hub. Papagandahin ang kanilang mga produkto tapos bibigyan natin sila ng puwesto kung saan nila puwede ibenta. Hindi natin sila iiwan kapag maganda na. Tutulungan po natin sila hanggang maibenta ang mga produkto.
KONSYUMER
Kasama sa mandate ng DTI ang pangangalaga sa safety at protection ng consumers.
Bilang proteksyon sa tumataas ng presyo ng karne, nag-relaunch kami ng programang PRD o Presyong Risonable Dapat para maging affordable ang chicken, pork and other meat products especially sa panahon ng pandemic.
Ginawa rin natin itong PRD noong 2018. Ginawa natin ito noon kasi ang mahal ang presyo ng bigas dahil ang dami ng traders. Ang idea ay gawing available sa lahat ang murang bigas at karne, by allowing retailers to source directly and cut traders in between. Napababa natin iyan, mula P50 ay naging P34-36 per kilo. Iyan po ang ginagawa natin sa PRD.
We adopted the same program ngayon pong mataas ang presyo ng pork. Umabot po ng halos P400 per kilo, recently po bumaba na siya sa P330-340, up to P380 per kilo. Ginawa natin ang PRD sa pork, ngayon po P220 per kilo ang kasim/pigue at P250 per kilo ang liempo. Available na po, lalo na sa mahihirap nating kababayan. Kung mahal ang pork sa palengke, mayroong mas mura sa mga grocery sa mga naka-partner natin na retailer. Ang point po natin is available, may option, at may mapupuntahan si consumer para makabili ng mas murang produkto. Katuwang po natin dito ang Department of Agriculture, ang mga retailer, at mga nagpapasok ng pork sa bansa. Every weekend mayroon din po kaming pop-up stores sa iba’t ibang barangay. Ngayon po, ang PRD ay available na sa 123 stores sa Luzon.
Tayo rin ay nagsasagawa ng maraming Diskwento Caravan, kasama ang manufacturers at retailers, at ito ay ginagawa sa mga barangays in coordination with the LGUs para mapaabot ang murang basic goods sa mga barangays lalo na ngayong pandemiya. Nakagawa na tayo ng 2,073 Diskwento Caravan mula 2016 na nagsilbi sa 6,600 barangays.
Bilang proteksyon din sa pagbili ng mga substandard o defective products, ang ating Bureau of Philippine Standards ay patuloy na naninigurado sa mga product standards for consumer safety, lalo na sa mag mahahalagang materyales tulad ng bakal, cement, plywood, ceramic tiles, appliances, electric switch, Christmas lights at iba pa. Para sa consumer protection during your administration, dinagdagan natin ang coverage ng products under mandatory compliance, from 70 to 87 products covered.
Ilan po lamang ito sa marami nating mga programa, at hindi po mabanggit lahat in the interest of time.
In closing, hindi po matatawaran, Mr. President, ang mga magagandang naganap sa ilalim ng inyong termino sa larangan ng paghandog ng Trabaho, Negosyo at Konsyumer Proteksyon, at higit sa lahat, pagtulong sa mga maliliit na entrepreneur. Ito po ay maituturing na isang legacy na hindi malilimutan ng bawat isang Pilipino na napabuti at nai-angat ang antas ng kanilang buhay tungo sa inclusive prosperity.
Maraming salamat. At mabuhay po ang sambayanang Pilipino! ♦
Date of Release: 24 August 2021