Magandang umaga po sa inyong lahat.
Tama po, magkabalikat po ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI), pati na ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), dito po sa Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK). Siyempre si Asec. Nikki ang aming suki po dito, ang ka-partner lalo na sa TNK at lalo na rin dito sa National Economic Recovery Strategy (NERS).
Unang-una napaka-importante po talaga ang role ng DOLE, talaga po sila ang nakasabak sa atin. Kaya po napaka malapit po sa aming puso, sabi nga ni Sec. Bello kaya nga kami nagkakaisa, “walang trabaho, kung walang negosyo.” Kaya po lahat ng sinusulong naming ng mga panukala para mabalik ang negosyo at trabaho, kami po ay nagkakaisa sa Inter-Agency Task Force (IATF) at kahit saang forum. Basta po talaga ibabalik ang trabaho, kami po ay nagkakaisa.
Kaya nga po ngayon, kahit modified enhance community quarantine (MECQ) technically dapat nasa bahay tayo lahat. Strict pa rin po iyan next to enhanced community quarantine (ECQ). Pero kung makita ninyo ‘yung MECQ model natin ngayon, kumpara sa MECQ last year, marami pong trabaho ang pinapayagan. Siyempre sa pagtulak po naming ni Sec. Bello ay ang IATF po ay full support na rin. Pati po sa Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG), lahat po, kasama na economic team siyempre, ang number one na gusto natin mabalik sa ating mangagawa ay ‘yung trabaho. Ayan po ang unang-una priority natin.
Kaya po sa MECQ ngayon, kung makita ninyo, technically halos lahat ng sector ay puwede na, para makabalik ang trabaho. Malaki po ang naging challenge sa atin ng ECQ, mga 1.5 million sa aming talaan, ang nawalan ng trabaho sa NCR+ pa lang iyon.
Noong nag MECQ, naging 1 million na lang, 500,000 ang nakabalik, 1 million pa rin po ang unemployed. Kahapon po mayroon tayong nadagdag, sa approval ng IATF,’yung sinulong po natin na ang personal care services at ang dine-in restaurants napaka labor intensive po niyan. Kaya kahit initially bawal siya sa MECQ, ito po ay napayagan makapagbukas. Para lamang makabalik ang mas marami nating kababayan sa trabaho. Ang estimate po naming, mga 300,000 to 400,000 ang makabalik sa trabaho, dahil po dito pagluluwag na kaunti dito dine-in and personal care services.
Marami pa po tayong sinusulong na mga employment recovery, ayun po ay pag-uusapan namin sa NERS Job Summit mamayang hapon.
Mabanggit ko lang din po na ang DTI, dahil po sa partnership natin with DOLE and TESDA, marami pong programa na trainings, seminars, ng mga OFWs. Mayroon na tayong more than 400 million na napa-utang para po dito sa mga OFWs pagdating sa pagnenegosyo. Ang TESDA magtuturo po iyan ng skills, ang DTI magtuturo naman pano mag-manage ng negosyo kapag na-apply na ‘yung skills sa negosyo.
Actually, mas malaki po ang budget ng DOLE. Sa DOLE, hindi lang pautang, may grant. Si DTI may kaunting grant, pero karamihan po pautang. Pero lahat po iyan makakatulong upang may hanapbuhay ang maibalik sa ating mga kababayan.
Sa CARES Program po ng Small Business Corporation (SB Corp), may mga Php3.3 billion na po ang napa-utang dahil po sa pandemya. Ito ang programang nasimulan ni Pangulo, through the SB Corp. It was able to lend out to 27,000 borrowers already, tapos Php3.3 billion na.
So, sa OFWs may particular program po kami diyan. Ayun nga po ‘yung kinuwento ko kanina. Tuloy-tuloy po ang mga programs, mayroon din po kaming joint program with the reintegration office. Dahil ito ay masusing training sa pagnenegosyo.
Aside from the help of SB Corp, may proposed program po kami ni Sec. Bello na magbigay pa ng extra tulong ang SB Corp through pautang. Kasi kapag may training na sa negosyo at may business plan na ito, may basehan na po ‘yung pagpapautang ng mas malaking amount kung anong kakailanganin sa negosyo.
We are here really to support ang ating pong programa at ng DOLE na sana makabalik na sa trabaho ang ating mga kababayan. We fully support itong job fair at ang number one po na industriya na magbibigay ng trabaho ngayon, ang estimate 53,700, business process outsourcing, manufacturing, government, textile, and construction.
Hopefully, mapagtulungan natin ito together with other agencies at para makabanggon talaga. Again, with the support of our President and cabinet members, hopefully lumabas na itong Executive Order (EO) na lahat ng certificate of concurrence ma-trabaho na po natin.
Maraming Salamat po at mabuhay ang manggagawang Pilipino! ♦
Date of Release: 4 May 2021