WELCOME REMARKS OF SECRETARY RAMON M. LOPEZ
9TH OFW & Family Summit 2019
12 November 2019, World Trade Center, Pasay City
As delivered
Magandang Umaga po sa inyong lahat!
Isa na namang masaya na pagtitipon para sa pamilya. Hindi po natin makakalimutan ang ating mga OFW. Ito po madalas nating maririnig na kayo po ang bagong bayani ng ating bayani.
Pero bago natin maappreciate ang inyong pagkabayani, tayo po ay nasa Trade and Industry Department. Akin pong nakikita ang export natin, mga binibenta nating mga produkto sa labas at ang mga serbisyo sa labas na binibenta. Kasama na po diyan ang mga services na binibigay ng ating mga kababayan. Parang iniexport natin. At kasama rin po diyan ang mga serbisyo binibigay po ng ating mga OFW.
Kung susumahin po natin ang lahat ng produkto at serbisyo na iniexport natin sa labas kasama na po natin ang all export services. ‘Yun po ang mga sakripisyo at mga serbisyo na binibigay nyo sa labas para meron po tayong foreign exchange generation ‘yun po ang bumabalanse sa overall trade natin dito sa Pilipinas.
Dahil po kung wala ang mga OFW remittances tayo po ay may trade deficit ibig sabihin mas marami tayong iniimport o inaangkat kesa sa iniiexport. Pero kung titignan natin ang suma total dahil sa contribution po ng OFW kayo po ang bumabalanse sa ating iniexport at iniimport. Kaya palakpakan po natin. Kasama na po ang mga nagtatrabaho sa Pilipinas na bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas.
Sa pamumuno ni Pangulong Duterte ito pong mga nakaraang tatlong taon, umarangkada ang ekonomiya ng Pilipinas ‘yun po ay dahil sa inyo. At bihirang bihira nagkocontribute sa trabaho, sipag at tiyaga at kayo po ay bumubuhay ng buong pamilya at nakakatulong pa sa ating bansa. Ang mga nagawa po ninyo ay napakadami at kayo po ang nakatulong dito sa mga sagot ng Pilipinas.
Palakpakan po natin ang Pangulong Duterte at sambayanang Pilipino. Tayo po ang second fastest growing country dito po sa Asya pangalawa lamang sa Vietnam. Naunahan na natin ang China for the first time. Ang China mga 8% growth subalit sila po ay biglang nagslow down mataas pa rin 6% pero ang Pilipinas 6.2% ganyan po kalakas. at marami pong naiinggit sa Pilipinas ngayon.
Dahil po dyan ang unemployment rate natin bumaba 5.2% ibig sabihin maraming may trabaho ngayon. At dahil po dyan mas maraming kumikita, maraming may income, kasama na rin po ang OFWs. Ang ating unemployment rate di lang po ‘yun measurement ng may trabaho na pero naghahanap pa din ng trabaho ibig sabihin quality of job. ‘Yung underemployment bumaba na ‘yun 13.9% dati nasa almost 20% po ‘yun. Ibig sabihin gumaganda ang kalidad ng trabaho at ng buhay.
At maganda po dito dahil ang mga Pilipino ay masipag gumawa ng mga babies tuloy tuloy po ang pagdami ng populasyon. So, 108 to 109 million na po tayo pero ang maganda po dito nung lumalaking population ay may hanapbuhay, may kita, may income. Kaya po ito ‘yung sinasabi na purchasing power ay lumalakas. Malakas ‘yung consumption.
Kayo po ang bumubuhay sa maraming mga malls, sa mga tindahan, mga negosyo po dito po sa ating bayan. Dahil sa inyo talagang naging mas active at malakas ang growth ng ating bayan.
Kaya po sa ganda ng environment, ganun na rin po ang dami ng interes ng mga investor na lalo pang mamuhunan sa Pilipinas dahil nakikita pa lalo na attractive ang consumer market natin.
Dahil po sa inyo, salamat po sa pagsasakripisyo, maganda po ang consumer dito sa ating bayan. At dahil doon tumaas ang consumption, tumataas din ang export, ang investments, mas maganda po ang mga nangyayari po dito.
So masasabi natin ‘yung bayan po kasi tuloy tuloy ang growth. By the way, ang atin pong growth halos 6% for the past 18 quarters. Parang nangyari po sa China sila po ay tumaas ng 8-9%. Ang lahat ng negosyo ay umaangat sabay sabay kasi mataas ang growth ng ekonomiya.
Kaya masasabi natin itong ating mga OFW na pamilya ma-inspire na humanap kabuhayan sa sariling bayan. At sa buong araw na ito at di lang po ‘yun marami pong speaker mayroong mga magtuturo satin paano magnegosyo, pano maging masinop sa ating pera, paano magkaroon ng sipag at tiyaga para lumago at umunlad ang ating kabuhayan. ‘Yun po ang pinakamagandang regalo sa lahat. At edukasyon po ang pinakamagandang regalo ng ating magulang.
At dito naman po sa Villar Sipag at ang DTI kasama po ang mga kapartners po dito ay ginawa po naming na edukasyon din sa pangkabuhayan at pag negosyo para lahat po kayo ay maging prosperous, maging swerte at umangat sa buhay. ‘Yan lang naman po ang harangin namin ng Department of Trade and Industry dahil po support po kami dito po sa adbokasiya nila Senator Villar.
Sabi ko nga po wala pa ko sa DTI ako po ay kasama na po dito nakikibahagi sa pagbibigay ng seminars at isang malaking karangalan na maging bahagi ako sa ganitong masayang pagtitipon. Sa DTI mayroon po tayong 1,087 Negosyo Centers sa lahat ng municipality. Kulang na lang kami ng mga 300 kasi 1 per municipality ang nakatoka samin na lagyan negosyo center.
Sabihin nyo po sa inyong mga kamaganak o kaibigan kung gustong magtanong sa pagnenegosyo, kung gusto magrehistro ng business name, gustong malaman kung saan makakautang. Ang DTI po meron po tayong Pondo sa Pagbabago at Pagasenso programa po ni Presidente para di na tayo uutang sa “5-6”.
Pero ang mga OFW mayayaman na kaya di na uutang sa “5-6” diba? Kung meron man uutang pa, ito po ay sa Negosyo Center or i-Google nyo ang DTI Pondo sa Pagbabago at Pagasenso meron kayong negosyo ngayon? Puwede kayong mangutang para pang expand ng negosyo. Hindi 20% per day. ‘Yun po napakababa po ng collateral so mabuti ito pang expand po ng inyong negosyo.
At paano po ba matuto ng sariling brand para sa aking produkto? Saan po ba pwedeng ibenta ito? Sa DTI OTOP Hub, Go Lokal, mga tindahan na may sariling products na ginawa po ng DTI para makatulong sa inyo. Para kayong nasa trade fair every day.
As we say tayo pong mga OFW we always just earn magtrabaho tayo para kumita. Earn. Matuto po tayo. Learn. At pag may kita na nakuha dun i-uwi natin dito at gawin nating negosyo and return. Earn Learn Return. So pagbalik natin sa ating mga pamilya andito na ang kabuhayan natin.
Magandang Umaga po sa inyong lahat!