Ngayong Araw ng Paggawa, ang Department of Trade and Industry (DTI), ay nagbibigay-pugay sa ating mga bayani sa frontline – mga health workers, pulis, sundalo, kawani ng pamahalaan, at sa pagkakataong ito, mga manggagawa sa logistics at supply chain. Ang ating mga #LogisticsBayani – mga seaport, airport at warehouse personnel; mga kargador, customs broker at freight forwarder; mga driver, courier at rider – ay patuloy na naglilingkod upang maihatid ang ating mga pangangailangan sa gitna ng pandemyang COVID-19.

Maraming salamat po sa mga Bayani ng Bayan!♦

Date of Release: 1 May 2020