Magandang umaga po sa inyong lahat,
Kami po sa Department of Trade and Industry (DTI), kasama po ng ating mga ka-serbisyo dito ay nag-co-congratulate sa ating mga kabayan na seafarers. Dahil po sa pagkakataon na ito at dahil bilang A4, economic frontliner, kayo na po ang nakapila at nakalista ngayon para mabakunahan.
Unang-unang kami po ay masaya dahil na-expand, napalawak po ang definition ng economic frontliners. Dati po mas limited, nasa iilang sectors lang pero dahil po sa kagustuhan ng ating Pangulo na mas maraming mabakunahan, ito po ay pinalawak.
Practically, including all workers, workers sa private sector, workers sa government, self-employed, at pati ‘yung nagtr-trabaho ng mga household. So, halos lahat na po, mga 35 million—pero ang maganda po dito ay kayong group, sa ating mga kabayan na seafarers, pinagbigyan po ang inyong kahilingan dahil po sa directive ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang bakuna na ibibigay sa inyo ay Pfizer. Dahil ito ay requirement sa pagbalik ninyo sa trabaho.
Kaya po kami ay nakikiisa at sumusuporta. Importanteng mabakunahan kayong group po ninyo at kabilang ang ibang economic frontliners, ito po ang susi sa ating reopening na tuloy-tuloy. Ito ang susi para tuluyan makabangon ang ating ekonomiya.
Sabi nga naming noon ito ay “shot in the arm,” literally a shot in the arm and the arm of the economy. Kayo po ang magbabalik ng sigla at recovery ng ating ekonomiya para tuloy-tuloy na reopening at tuloy-tuloy makabanggon mula sa malagim na pandemiya.
Kaya good luck po at proteksyon po ito para sa inyo at sa inyong pamilya. Ayun po ang mahalaga para sa amin. Magandang umaga po sa inyong lahat. ♦
Date of Release: 18 June 2021