As delivered, 27 November 2020 via Zoom
Magandang araw po sa inyong lahat.
Atin pong nilagdaan itong Joint Memorandum Circular, pinagsama-sama po itong mga ahensya na makakatulong po sa ating Overseas Filipino Workres (OFWs). Of course, ‘pag sinabing OFW, Department of Labor and Employment (DOLE) po ang nangunguna diyan, kasama po ang ating ka-partner na si Sec. Bello. Ito pong programa na ito ng mga pinagsamang ahensya will provide ‘yung mga negosyo, economic opportunities para po sa ating mga bumalik po na mga OFW.
Isa pong programa ito na ibinilin ng ating Pangulo, lalo na noong SONA. Kaya po kami nila Sec. Dar, Sec. Lapena, Sec. Chua ay nagsama-sama po para pag-isahin ‘yung mga programa. Ito po ay isang whole-of-government approach. Ang Department of Agriculture (DA) po nangunguna sa agriculture. From the production, marami pong opportunities diyan at mga programang ginagawa na ng DA.
Ang Department of Trade and Industry (DTI) po ang kadugtong niyan kapag pina-process na ang agriculture products para maging agri-business at processed agri-products para value-added. Si DTI po ang partner at nakikipagtulungan po with the DA. Tinuturuan pa ng mas magandang techonology, mga latest, kaya po ang Department of Science and Technology (DOST) nandiyan po at nagbibigay ng makabagong discovery para gumanda pa lalo ang innovation ng ating mga produkto. Pagkatapos po ite-train po ang mga kababayan natin para sila ay maging malakas at magaling na mga negosyante at agri-business entrepreneurs. Kaya naman po ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay mas pinalalakas ang programa nila para po magko-compliment ang bawat isa.
Ang DTI, aside po sa nagte-training tayo sa pagpapaganda ng produkto, packaging, pati po ‘yung processing, nagbibigay din po tayo ng equipments through our Shared Service Facilities (SSF) kung saan maraming makikinabang na mga negosyante at OFW na magpo-process ng mga iba’t-ibang klaseng produkto sa bawat lugar.
Importante din po na may financing tayo. Nariyan po ang Small Business Corporation (SB Corp)that will provide zero interest at maliit po na service fee para po sa mga nag-uumpisa ng kanilang mga negosyo. Kasama din po ang Pondo para sa Pagbabago at Pag-asenso (P3) na dedicated po para sa mga OFW. Ang maganda po dito ay may training po kami ng pagnenegosyo na ibibigay. Aside from that, kapag naka-graduate sila doon, may nakaabang nang pautang for the start-up po ng OFW enterprises. Ang ka-partner po natin diyan ay ‘yung isang ahensya under DTI, ang SB Corp. Pwede niyo pong i-google ‘yan para po makatulong sa inyo. Andiyan din po ang Livelihood Seeding Program na binibigay din po ng DTI sa mga talagang may intensiyong mag-negosyo.
Lahat ng mga ahensya na ito ay nagsama-sama para po ang ating mga kababayan, lalo na ang mga OFW, ay magkaroon ng mas masagana at komportableng buhay tulad po ng ipinangako ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kaya po sama-sama po tayo labanan ang pandemya at nang maging masagana ang ating buhay.
Maraming salamat po sa inyong lahat. Sa ating mga ka-partner, salamat po!♦
Date of Release: 01 December 2020