22 February 2020 via Zoom 

[Acknowledgements]

Ladies and gentlemen, magandang umaga po sa inyong lahat.

Congratulations po sa Sparkle Philippines at sa ating National Capital Regional Office (DTI-NCRO), headed by Regional Director Marcelina Alcantara, para po sa inyong partnership upang tulungan ang ating Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs). Habang naging lubha ang epekto ng COVID-19 sa marami nating mga negosyo, lalo na sa ating MSMEs, lugod po tayong nagpapasalamat sa naging bawat aksyon para pagaanin ang bigat na dinaranas ng ating mga mamamayan.

Ang partnership sa pagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Sparkle ay nagpapakita po ng kahalagahan ng kolaborasyon ng gobyerno at ng pribadong sektor sa pagpapalawak ng government programs para sa ating mga kapwa Pilipino. Ang DTI po ay matagal nang advocate ng convergence of initiatives lalo na po sa larangan ng entrepreneurship. Ngayon po san a tayo’y nasa DTI, tinutuloy po natin at lalo pang pinalakas ang pagbibigay ng libreng mga seminar. Halimbawa po ng ating mga pagtulong para sa MSMES ay ang Kapatid Mentor ME, OTOP Philippines, and Go Lokal! programs na gumagabay sa ating MSMEs ay mula sa pribadong sektor. Isama na rin po natin dito ang COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) program na pinangungunahan po ng Small Business Corporation (SB Corp.).

Alam po natin na ang gobyerno po ay wala pong monopoly of ideas sa kung papaano tutulungan ang ating entrepreneurs, lalo na kung ang mga ideya na ito ay innovative. We always work with innovative ideas dahil ito po talaga ang nagbibigay ng kakaibang modelo lalo na ngayong time of pandemic, maraming may gusto ng innovation sa kanilang mga businesses. Bukod po sa pagiging isang food delivery app, ang Sparkle ay nagbibigay ng end-to-end support, mula sa pagpapadali ng pag-order online hanggang sa pag-gabay sa inyong partner-merchants na lumaki at umunlad. Kung kaya’t malugod po ang ating pagtanggap sa kolaborasyon natin kasama ang Sparkle para matulungan ang inyo pong partner-merchants sa larangan ng sales and marketing, product development interventions, financial management, and compliance training. Sa paggawa po nito, makakasama rin po namin ang inyong partner-merchants sa aming iba’t ibang DTI programs at services na makatutulong sa kanilang pagnenegosyo.

Amin pong pinupuri ang Sparkle para po sa inyong pagsisikap na masiguro ang inclusivity sa inyo pong business model kasama ang partners, consumers, at buong komunidad. Ang DTI ay nakatuon sa aming pagtaguyod para sa inclusive growth at shared prosperity para sa lahat, hanggang sa pinakahuling micro entrepreneur. Para sa amin, wala pong negosyo ang masyadong maliit para magtagumpay dahil lahat ay may kakayahang lumago at umunlad, katulad po ng inyong motto na “greatness comes from small.”

Kami po ay umaasa sa pagtatagumpay nitong partnership para matulungan ang ating mga negosyante, lalo na ngayong mapanghamong panahon. Kami po ay umaasa na ito po ay una lamang sa marami pa nating kolaborasyon para mabigyan ang ating mamamayan ng isang komportable at dekalidad na buhay katulad ng ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Muli, congratulations po sa lahatMaraming salamat at mabuhay tayong lahat!  ♦

Date of Release: 22 February 2021