Magandang hapon, mga OTOPreneurs at sa lahat ng mga sumusubaybay sa ating Honing OTOP Philippines Enterprises o HOPE Stream.

It is my honor to greet this livestream program a Happy 2nd Anniversary!

Kung inyong matatandaan, nagsimula itong programa noong May 2020 sa kasagsagan ng mga lockdowns at mga hindi magandang balita tungkol sa COVID-19. This is why a lot of people are thankful for this program na nagbigay ng courage at inspiration upang makabangon muli.

Nakakatuwang isipin na despite the lockdowns at lahat ng limitations nitong nakaraang dalawang taon, patuloy pa rin ang paghatid ng serbisyo ng OTOP sa mga MSMEs. Tinutulungan kayo tumaas ang inyong competitiveness level upang maka-access sa global markets gamit ang ating mga local materials, local flavors, at local talents. Hinahatid sa inyo ang mga mahahalagang information at tips patungkol sa innovation at product development, pati sa marketing, design, packaging at pag-improve ng customer service. Higit sa lahat, marami ang natulungan makapag-generate ng maraming sales noong may pandemic.

Napakahalaga din ng mga exchanges of information, mga insights, at experiences ng ating mga entrepreneurs sa pamamagitan ng programang ito. Naranasan nyo na hindi kayo nag-iisa sa gitna ng pandemya at nagbigay ito ng pag-asa sa napakaraming MSMEs nationwide.

Ngayong nalagpasan na natin ang pandemic, alam kong marami pa rin ang higit na matutulungan ng OTOP Hope Stream bilang bahagi na ng ating New and Better Normal. Makikita sa programang ito ang lubos na effort ng ating mga regional and provincial offices sa pag-abot ng iba’t ibang uri ng assistance sa mga MSMEs.

As you know, isa ang OTOP sa ating mga priority programs ng DTI. Tinataas nito ang kalidad at competitive advantage ng mga local products through an ecosystem of assistance magmula sa product development hanggang sa market access.

This is why on behalf of DTI, we are very thankful for this opportunity to empower the MSMEs in the midst of crisis. Maraming salamat, una sa lahat sa OTOP Next Gen, kay ASec Demphna Du-Naga at sa ating mga masisipag na program hosts, sa ating mga OTOP Hubs, sa mga business experts, mentors at trainers na nagbahagi ng kanilang mga kaalaman sa ating mga MSMEs, sa ating mga Regional Directors at DTI officials and all those who made this program truly inspiring and productive. Muli, Happy Anniversary and more power to the OTOP HOPE Stream.

Maraming salamat! Mabuhay tayong lahat.

Date of Release: 26 May 2022