[Acknowledgments]

Good morning po sa lahat.

We welcome the third batch of the mentees of the 3R Building an Entrepreneurial Society of Tomorrow BEST Bootcamp. Na-recall na natin na rationale nitong BEST 3R program natin na talagang matulungan ang mga MSMEs, lalo na ‘yung mga naapektuhan nitong pandemic.

Noong pinag-uusapan namin itong programa kung paano tayo talagang makagawa ng programa na responsive sa mga nangyayari ngayon sa pandemic, either nagsara ‘yung negosyo o kailangang i-adjust ang business model, i-consider ‘yung mga pangyayari ngayong pandemic kasi alam niyo po dito sa pandemic mayroong mga businesses na nagta-try lumaki at definitely marami ring naapektuhan ‘yung, ika nga, ‘yung hindi pandemic proof. Nakita natin kung paano tinamaan ang mga tourism-related sectors. Paano tinamaan even ‘yung restaurants sa mga food businesses, lalo na ‘yung mga may dine-in. It has always been an issue na parati lamang at the border sila, either magko-close or open.

Recently, ipinaglaban natin ang dine-in dahil maraming naapektuhan dito, over 2 million employees in this particular sector. Idagdag mo pa ‘yung mga personal care as business models, ‘yung mga barbershops, salon about 400,000 to 500,000 nationwide. Ganyan karami ang nawawalan ng trabaho and not to count pa kayo mismong mga MSMEs.

Ang tanong ngayon, ano ang magandang business model? Definitely these are basic essential services that are needed. But as you know, ito pong ating pandemic, lalo na itong Delta sinasabi na malakas kumalat and therefore as a general business model, ‘yung business model na ‘yung indoor medyo delikado. Moving forward, maybe eventually ‘pag totally nagkaroon ng general immunity or natural immunity, makakalagpas din tayo dito sa pandemic na ito and this will become a regular flu or iba pang sakit na hindi naman makakamatay, kaya lang delikado pa ngayon at nakamamatay. Habang kino-consider natin ‘yan ma-realize natin na ang mga business model na indoor are at threat.

So, if you are thinking how we can make it more marketable pag-isipan natin ‘yung mga hindi masyadong indoor, ika nga puwedeng outdoor. ‘Yan ‘yung mga puwede. Even itong dine-in restaurant, maraming pinag-shift namin to al fresco. Even personal care, ‘yung dating style noong araw pa na ang barbershop hindi naman air-conditioned, open space. In fact, maganda nga ‘yung gupitan ng bayan, let’s say sa barangay center, open space.

Even ‘yung mga gym owners, maraming lumalapit sa amin. Ang problema nga itong gym open ako, diyan gusto ko sana ‘yan, ang problema ang mga health experts natin they see it as a big risk. The gym owners ay dapat outdoor kasi kung indoor imagine mo, humihinga ka nang malalim tapos nasa loob ka, air-conditioned tapos may mga kasama ka pang ibang tao doon at kahit naka-facemask ka ay puwede ka pa ring mahawaan. Napaka-importante talaga ‘yung good ventilation or i-open space mo na. Ito ‘yung mga ibang adjustment na tinatawag na kailangang i-pivot ‘yung business model, consider the pandemic as something that will be here maybe for the next year or two years. At, if ever, ay bumababa lang ang kaso niyan, we will live through this virus but really adjust our business models para talagang tuluyan pa ring lumaki.

Kaya tignan niyo ‘yung mga take-out delivery business models ito ang mga naging panibagong business models. E-commerce walang face-to-face, very limited ‘yung mga face-to-face. These are the business models, I guess, in the next two years na talagang at least tuloy-tuloy ‘di maha-hamper ng kahit anong lockdown kasi ‘pag nag-lockdown may mga stores talaga na naapektuhan. That is why dito po dinevelop itong 3R program natin—Resilience for Recovery and Rebuild—para talagang matulungan po tayong lahat. Tayo pong nasa MSME sector.

Ito rin po ay isang programa na tinutulak po ng ating Pangulong Duterte, even during the SONA binanggit po niya kung gaano ka-importante ang MSMEs. Lahat ng puwedeng itulong sa MSMEs ay ginagawa na po ng Department of Trade of Industry kasama rin ‘yung ibang agencies. Nabanggit kanina ‘yung TESDA sa training pero ang training, ‘yun ang skills. Sa DTI, sa pamamagitan po ng ating mga regional offices, pati na Philippine Trade Training Center, [ay nagbibigay ng] training kung paano mag negosyo. Kung paano gawing negosyo ‘yung mga natutunan mong skills. Paano i-manage ‘yung negosyo. We really just have to be responsive sa pangangailangan po ng MSMEs na naapektuhan ngayon.

Ang maganda po dito sa ating programa, we really tap ‘yung mga magagaling, may malaking experience, pinag-aralan they have tried and tested different models sa kanilang businesses. These are experienced entrepreneurs itong magme-mentor sa atin ngayon, itong Angelpreneurs na mga binanggit nating pangalan kanina.

Therefore, maganda po at very practical and useful ang kanilang magiging experience. Ang kanilang experience na isi-share sa inyo. Kaya po ine-encourage ko kayo na talagang to maximize the learning. Sana hindi kayo mag-absent dahil sayang. This program is really for you, it’s not for DTI.

Ang maganda naman po ngayon sa mga nangyayari sa mga paligid natin, may Delta variant pero ang atin pong mga businesses at ang economy nagsimula nang makabawi compared last year 2020. Ang ating mga closed enterprises bumababa na, dati umabot ng 40% ang sarado. Dahil as we are reopening the economy, ngayon po ay bumaba pa ‘yan nationwide 3%. However, in Metro Manila sa mga ibang karatig na lugar na nag-ECQ, nag-MECQ, tumaas uli yan sa 10%. Nevertheless, nakikita natin na ang atin pong IATF hanggang maaring ibukas [at] pabalikin ang economy they are now supporting us dito po. Everytime na nagmi-meeting tayo, tinutulak natin itong mga reopening saan pa puwede. We have to reopen safely. We have to continue ‘yung restriction sa ating minimum public health protocol—pagsuot ng mask, distancing, hugas, and more importantly ngayon kahit ano pong negosyo ninyo, please take note ‘yung ventilation. Dito po sa umiikot na Delta at iba pang variant, ventilation is very important. Kung maganda ang aircon mo, may filter, okay ‘yan. Pero kung hindi maganda, mabuti pa mag open door system na kayo. Mag al fresco na tayo. Ang hangin ay gawing papalabas, talagang ventilation is very important para sa ganoon ang inyong mga workers at mga customers ay maging safe.

Dito po sa indoor, alam ninyo ‘yung policy ngayon para lang pumayag tayo na i-consider ‘yung vaccinated. I hope ‘yung mga workers ninyo ay maging vaccinated at kayo rin. Very important ‘yun. Bababa talaga ‘yung kaso natin. That’s the reason why ngayon marami na ang bumaba na kaso lalo na sa severe and critical only 2% na lang po, less than 2 pa nga 1.9 or 1.8%. Dati ‘yan nasa close to 3% ang severe and critical. Very important ‘yung vaccination. In Metro Manila, we are 61% vaccinated. We are expecting to hit 70% already by next month. Hopefully, before the end of this month, September.

Kapag ganyan po na dumadami ang may immunity, hindi ibig sabihin na magtatanggal tayo ng mask. We are all for reopening, nagre-recover ang economy, you have to ride on the road of the economy. Tama po ang ginagawa ninyo. You are prepared to ride on the economy but you will be more prepared kailangan maganda ang ayos ng inyong business model so that you will be able to maximize, ‘yung growth ng economy sa pagsakay ng inyong negosyo sa paglago ng ekonomiya.

We commend the movers behind the program, PTTC, GMEA. ‘Yung PTTC is one institution kasama ang regional director, ang BSMED na responsive dito sa mga nangyayari sa pandemic. Dati ‘yung PTTC po ay pang exporters, mga training institution ito karamihan ng training modules nila pang exporters, pero dahil po sa needs ng MSME sector nagreposition din sila, ginawa pong pang MSMEs din. Mula maliit na negosyo hanggang lumaki, hanggang maging exporter, kaya po mayroon tayong Global MSME Academy.

With the DTI regional office and the DTI BSMED, lahat po ‘yan nagtulong-tulong para matulungan ang MSMEs and you use the other DTI programs. Ito ang ginagawa natin part of the 7Ms – mindset, mastery, mentoring na na-achieve itong 3Ms na ito nitong 3Rs. Meron pang ibang programa ang DTI ang changing business models, ‘yan pag-aralan ninyo. Equipment kung grupo kayo ng entrepreneur puwede ring matulungan ng DTI through Shared Service Facilities and micro-financing. At the end of the program, ‘yung may magagandang business plan puwede pa natin tulungan sa SB Corp. either through a loan. ‘Yung DTI naman, meron ding programa on livelihood kits. Kung may produkto na, we will even provide you the marketplace, either virtual or physical, because of our Go Lokal! or OTOP hub, 360 degrees ang program natin.

Good luck sa inyo. Ibibigay po namin lahat ng puwede naming ibigay na tulong para po sa ating mga kababayan, sa ating mga MSMEs. Congratulations, napili kayo dito sa pagsali ng program. Good luck, do your best and I wish you all the best as well. Stay safe everyone.

Maraming salamat po sa inyong lahat.

Date of Release: 20 September 2021