15 December 2020 via Zoom

[Acknowledgements]

Ang “Building an Entrepreneurial Society of Tomorrow” (BEST) Bootcamp ay handog ng Department of Trade and Industry (DTI). Kumbaga pamasko na rin lalo na para sa mga displaced workers (OFWs), mga nagnanais na mag-umpisa ng negosyo, at pati na rin ang mga returning overseas Filipino workers (OFWs) natin na nawalan ng trabaho at naghahanap ng pagkakakitaan. Marami na po tayong success stories dito na nagsimula sa isang maliit na livelihood, pero kapag tama ang approach, umpisa, at mindset—‘yun po talaga ang mga mahahalagang ingredients base po sa aming tinagal sa micro, small, and medium enterprise (MSME) development.

Noong nag-survey kami kung ano ang pinakakailangangan ng MSMEs, ang sagot nila ay capital. Pero pagkatapos ng seminar, ang naging sagot na nila ay pagkakaroon ng isang magandang business idea—nawala na ‘yung capital. At lahat po ‘yan ay ituturo sa inyo ng ating mentors at experts. Sila po mga nakapag-aral sa larangan ng negosyo, may experience, at may negosyo. Ang kanila pong ibinabahagi ay practical learnings na po nila, kasama na rin ang diskarte, business models, at cash flow management.

Ito pong programa natin ay parte ng overall comprehensive program of DTI. Ang framework po na ito ay para sa ating MSMEs na tuturuan ng 7Ms: Mindset, Mastery, Mentoring, Market, Money, Machines, and Models of Negosyo. Marami pong nagsimula sa ganyan. Hindi na po kailangan mag- Master’s Degree dahil dito po, kinuha at naka-summarized po ang lahat ng best practices at learnings. At ‘yun po ay ibibigay ng libre ng DTI, kasama po ng iba pa nating partners: ang Philippine Trade Training Center (PTTC) at Angelpreneurs.

Kung grupo ng entrepreneurs, ang DTI ay may programa po sa machines. Kung hindi naman po grupo, ang Department of Science and Technology (DOST) ay mayroon ding set-up program ng mga equipment at machines that will make your business more productive. Kaya marami pong ahensya na pupuwede ninyong lapitan, hindi lang po ang DTI. Puwede rin ang DOST at Department of Agriculture (DA) kung mahilig kayo sa agriculture.

Later on, kapag may mga produkto na po kayo, ang tanong ay kung papaano niyo i-ma-market, ‘yan po ay kasama sa 7Ms natin. Puwede po ‘yan sa One Town, One Product (OTOP) Hub, mga trade fair, o sa malls under ng Go Lokal. Even before the pandemic, inumpisahan na rin naming ang digitalization para yung market ninyo ay mas marami ang makaalam.

Ang online businesses registered ay umabt na po sa 86,000 by December. That’s good kasi okay mag-umpisa ng negosyo pero tam aba yung ginagawa mo sa pagnenegosyo? ‘Yun po ang pinakaimportante. I also say that now is the right time because amid the pandemic, we have seen signs of recovery. Parati po nating isinusulong ng DTI sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pag-re-reopen ng economy para po makabalik muli ang mga nagtatrabaho at umikot muli ang ekonomiya. Kasama po natin ditto sa pagsulong ng pag-reopen ng economy ay ang Department of Labor and Employment (DOLE), ang National Economic and Development Authority (NEDA), at iba pang economic sectors.

Another sign of recovery ay ang GDP growth rate. Negative pa rin pero ganun talaga. Tandaan po natin, tayo ang second fastest growing economy in Southeast Asia. We were there, at madali po tayong bumalik sa oras na lumalabas na muli ang mga market natin dahil ang strategy po natin ay mag-reopen safely and gradually.

Sa mga papasok po sa programa, ang first part ay talagang pong lecture part para po mas marami ang makarinig ng orientation on how to improve your entrepreneurship journey. Pero mayroon po tayong mapipili na talagang mag-a-undergo sa entire training program at bibigyan din po natin ng livelihood kits from DTI-Regional Operations Group (ROG) para sa kanilang puhunan sa negosyo. At kung higit isang taon na po kayong nagnenegosyo o may kakilala kayong more than one year nang nagnenegosyo, puwede na pong manghiram sa Small Business Corporation (SB Corp) na namamahala sa COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) program and microfinancing program natin para sa mga naapektuhan ng pandemiya. Pumunta lang po kayo sa kanilang website at puwede na po kayong mag-register online para sa CARES program at para makakuha ng loan. Hindi niyo na kailangan pumunta sa opisina nila sa Makati City. Walang interest at may service fee lang. Siyempre po si President Rodrigo Duterte at Senator Bong Go, sila po ang talagang tumutulong sa atin na mabigyan ng budget itong mga livelihood program natin.

Again, i-maximize po natin yung matutunan ninyo sa programang ito. This is just an introduction and will be a series of lectures and mentorship. I-enjoy niyo lang po ang pagkatuto ninyo at sigurado pong magagamit po ninyo iyon sa inyong entrepreneurship journey. I wish you all well, and good luck sa inyong entrepreneurship journey.

Advance merry Christmas, maraming salamat po, at mabuhay tayong lahat.

Date of Release: 15 December 2020